Please follow my FB page: https://www.facebook.com/splitminded9
BRIELLA
Nagising ako sa sinag ng araw, nakalimutan kong isara ang curtain kagabi dahil napasarap ang tingin ko sa buwan at bituin habang nag iisip at nag dadasal para sa kalagayan ng kapatid ko.
Agad akong napatayo, naisip ko si Camilla. Matapos mag hilamos at mag sipilyo ay bumaba na ako. Nahagip ng mata ko ang orasan. 6:25AM palang pero may sinag na ng araw.
"Some investors are questioning us already." Si Tito Winston, nasa may garden area sila ni Lolo, Dad at Wesley. Narinig ko ang pag uusap nila.
"We can't tell them what's going on, part yun ng terms ng kumuha kay Camilla." Si dad. Agad nila akong nilingon ng maaninagan nila ako.
"Ang news?" Tanong ko, mabilis na umiling si lolo, mahahalata ang lungkot sa mga mata niya, maging si Tito Winston ay halatang wala ding tulog at si Dad ang pinaka apektado sa lahat.
"Anong sabi ng mga pulis?" Tanong ko ulit. Umupo ako sa tabi ni lolo dahil ito ang bakanteng upuan.
"Wala, wala silang mahanap na lead. Inisa isa na nila ang mga possibleng pag dalhan kay Camilla malapit sa eskwelahan." Sagot ni Dad. Kumuha ako ng makakain, nakikinig padin ako sa usapan nila. Hindi ko maiwasan ang di mag alala para kay Camilla.
Huminga ako ng malalim. "Mag lalagpas 24 hours na simula nung kinuha siya." Boses ni Dad, may halong takot at lungkot.
"Makikita din natin siya Dad. Yung nga tauhan niyo po lolo, ano pong balita?" Pinapalakas ko ang loob nila, pero maging ako ay natatakot din.
"Patuloy padin sila sa pag hahanap ng mga abandonadong factory or lugar na pwede nilang gamiting kuta. Alerto din ang mga pulis na nag mamatyag sa cctv sa buong manila." Tumango tango ako.
"Natulog ka na ba?" Tanong ko kay Wesley ng mapansin kong antok na antok pa ang mga mata. Dahil din nauna akong umakyat kagabi nag tataka akong nauna padin siyang magising sa akin.
"Oo, saglit lang. Sa couch ako nakatulog, nagising ako ng dumating yung private investigator." Pag kkwento niya at napahikab pa.
Walang ni isang papasok sa amin sa trabaho, yan ang bilin ni lolo. Kaya kahit sobrang nag aalala kami para kay Camilla ay kailangan naming manatili dito.
Alam kong hindi magiging magandang simula ito sa Lopez Prime lalo na sa mga directors ng ibat ibang department, di ko din pwedeng sabihin ang dahilan dahil ayaw nila itong ipalabas sa media.
Sumikip ang dibdib ko ng maalala ko si Camilla. Pinapakain kaya siya doon? Maayos kaya ang tinulugan niya? Sana ay wala silang ginawang masama sakanya. Parang di ko kakayanin kung saan patungo ang isiping ito.
Nag kagulo ang lahat ng bumaba si Tita Barbara at nag sisisigaw habang hawak hawak ang cellphone niya.
"Si Camilla. Si Camilla!!" Sigaw niya, lahat kami ay napatingin at nag aantay ng sasabihin niya, halatang hinihingal at nag mamadaling bumaba.
"Nasa LMH si Camilla." Yan lang ang nasabi niya pero agad kaming nag sipag tayuan sa kinauupuan namin.
Ginising nila si Kevin, agad akong nag bihis at sumama saknila sa LMH. May tinawagan din si Tito Winston para ibalik na ang presyo ng stocks maging sa LPH ay ganoon rin.
Tumawag din ng pulis si Dad para mauna sa Hospital. Di namin alam kung papano nakatawag si Camilla at kung bakit siya nasa hospital ngayon. Basta yun lang ang sinabi ni Tita Barbara, yun lang din ang sinabi sakanya ni Camilla.
BINABASA MO ANG
Corporate Affair (Completed)
Romance"I'm sorry, but my client will not settle." Boses na ng galing sa kanyang likuran, agad naman siyang lumingon. "I knew it was you." Umupo ang matipunong lalaki sa harap ni Briella. "Any way, if you're client don't want to settle then why am I here?"...