KEVINMay duty ako mamayang 2AM pero sasama ako sa Art Gallery dahil kinukulit ako ni Mommy at Camilla. Higit sa lahat ay gusto kong makita si Trisha. Simula nung dumating sila ay hindi pa kami nakakapag usap. Wala naman kaming dapat pag usapan talaga, gusto ko lang sana siyang makasama.
3rd year medicine na siya, at itutuloy niya ang pag aaral dito sa Pilipinas. Sa Fern West siya mag papatuloy ng pag aaral, nakakapang hinayang na hindi siya sa Lopez mag papatuloy pero kasi mas specialty ng Fern West ang Neurosurgeon na course niya.
"Kevin, maaga ka yata." Si Tito Theodore. Nasa Art Gallery na kasi ako.
"Kasunod ko lang po sila Mommy." Sabi ko. Nasa waiting area pa lang ako. May mga nag si datingan na rin, mga kaibigan ni Tita Darlene.
"Hey!" Si Trisha. Kumabog ang dibdib ko ng makita ko siya.
"Hi." Bati ko. Naka dark blue dress siya hanggang sa may ankle part at naka heels na white.
"Looking good ah." Sabi niya at ngumiti lang ako. "No date tonight?" Tanong naman niya.
"Wala eh." Sagot ko. Inayos niya ang neck tie ko, hindi ko inaasahan yun. Napatingin naman ako sa mukha niya. Napakaganda.
Maputi si Trisha, marahil at dahil ito sa may lahi siyang korean and american. Light brown ang buhok niya, matangos ang ilong at bilugan ang mga mata. Maliit lang din ang mukha niya.
"I can be your date tonight." Pagkasabi niya ay tumingin siya sa mga mata ko at ngumiti. Di ko alam kung anong isasagot ko.
"Ikaw bahala." Matipid na ngiti ang sinukli niya sa sinabi ko at nag iwas ng tingin.
'Mali ba ang sinabi ko?'
Nag si datingan na ang mga guest, maging sila Camilla at ang mga kaibigan niya ay dumating na din. Nag bigay pa muna ng speech si Tita Darlene at cinut ang ribbon.
"Let's go inside." Sabi niya at umangkla ang kamay niya sa braso ko. Nagulat ako, hindi ko inaasahan iyon. Masyado akong kinakabahan sana ay hindi niya maramdaman.
"Kamusta sa LMH?" Tanong niya ng makapasok kami.
"Okay naman, hindi naman masyadong toxic sa department ko." Sagot ko. Nakaharap kami sa isang painting.
"Let's have some lunch tomorrow." Napalingon ako sakanya at ngumiti naman siya.
Tama ba ang narinig ko? Niyaya niya ako mag lunch?
"May lunch kami with Chairman tomorrow." Sagot ko.
"Ay okay. How about dinner instead?" Mas kumalabog ang puso ko.
"Yeah. Dinner sounds good." At muli kong binalik ang paningin ko sa painting.
"Hi Ahia! Hi Unnie Trish." Bati ni Camilla sa amin at bumeso saming parehas.
"Where's Briella?" Tanong ni Trisha kay Camilla.
"She's on her way daw po, galing pa po kasi siya sa Prime. Malapit na daw siya."
"Cool. Tara." Baling sakin ni Trisha at nag lakad sa 2nd painting.
"What do you think of this painting?" Tanong niya. Tinitigan kong maige ang painting sa harapan.
Magulo at madaming tao kulay pula ang background na parang dugo maraming tao ang naka handusay sa sahig.
"This is what I see everyday." Sagot ko at tumango tango siya. "I see people begging and fighting for their lives. The red background, for me, represents the blood that Doctors see everyday, the people are the patients and relatives, the blue sky represents hope that Doctors would be able to help them. But the black pit hole, for me, that's the inevitable death that we have to accept as well." Diretsong sabi ko, inilahad ko lang ang nararamdaman ko sa painting sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Corporate Affair (Completed)
Romance"I'm sorry, but my client will not settle." Boses na ng galing sa kanyang likuran, agad naman siyang lumingon. "I knew it was you." Umupo ang matipunong lalaki sa harap ni Briella. "Any way, if you're client don't want to settle then why am I here?"...