THIRTY THREE

1.6K 26 6
                                    


Richard's POV

Mag uumpisa na ang hearing next next week, sakto pag tapos ng anniversary ng Lopez law. I already came up with a strategy, alam ko kung paano ang atake ni Mike sa case na to. I hope ma execute ng tama ni Derrick.

I heard rumors na babalik na daw si Wyatt bukas ng office. Ang bilis ng leave niya. Or sa sobrang busy ko sa case ni Anthony di ko na namalayan.

Also, next week na ang Anniversary ng Lopez law. I'll ask Briella what's her plan.

"Let's go back to sleep." Kelly is staying here in my condo for 2 days now.

Kinakabahan lang ako baka biglang pumunta si Briella. pero mabuti at medyo busy yata siya at di niya naiisipan pumunta dito.

"I have to go to work."

"Sabay nalang ulit tayo."

"Seriously? makakahalata na ang mga tao niyan."

Tumango lang siya at lumingon sa bintana.

"I'll go ahead." Sabi ko at lumabas ng pinto.

BRIELLA'S POV

It's been 2 weeks since confrontation namin ni Wyatt.

We haven't talked since then, but I guess that's for the best. Wala na din namang dapat pag usapan kasi yun na yun. Natapos ng lahat. For 2 weeks medyo natahimik din ako, good thing nga din siguro na nasa condo lang siya nag wowork. Kasi kahit papano di ko naaalala yung kashungahan na ginawa ko.

I'm also getting ready for the Anniversary of Lopez law. Sa Edsa Shang kami this time. I'm just waiting for Richard to ask me, pero until now wala padin. Siguro busy lang siya kaya nakakalimutan niya.

Nandito ako sa Alessi, isang sila sa mga bagong designers pero maganda naman ang datingan. Someone recommended them kasi mabilis saka maganda sila gumawa.

"Sukat po tayo maam."

I'm with maxine, nag susukat na din siya sa kabila. Last last week namin to inorder ni Max and ang bilis nila natapos.

Simple lang din naman yung dress, di naman din ganon ka bongga yung event. Medyo classy lang and formal.

"Bessy, patingin ako ha."

Inopen na yung curtain.

"OMG."

Sabay naming sabi ng makita ko din yung dress niyang sobrang bagay sakanya.

"Bagay sayo Max."

"Thank you, you look stunning din B. Excited na tuloy ako."

"May kaunti nalang po kaming ififix, pwede niyo po pick upin yung dress after 3 days from today po."

"Alright, thank you so much." Meron pa naman kaming 6 days from the event.

"Saan tayo?"

"Shopping ng shoes!" Alam kong nililibang lang ako nito kasi may rumors na babalik na si Wyatt bukas.

"Tara, excited na ako max."

"Ako din Brie. Tinanong kana ni Chard?"

Umiling lang ako. Siya kasi tinanong na ni Caleb kung pwede ba makadate with matching flowers pa. Haaay kala mo naman prom night. Para sa akin automatic naman na si Richard ang kasama ko, malamang siya ang boyfriend ko.

"Busy lang yun bes, ska baka may pasabog yun. And given na din naman na kayo ang magkasama."

I smiled. "Di naman niya kailangan mag tanong, matik na yun Max."

Corporate Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon