FORTY NINE

1.2K 30 5
                                    

Camilla

Isang linggo at 3 araw simula nung nangyari ang pag dukot sakin. May 3 guards na akong kasama pero nakiusap din ako na sana wag akong sundan sa buong campus especially na campaign period na for Student Council.

Pumayag naman si Lolo at Dad. Kaya hindi halata na may guards ako sa paligid. Di ko din sinabi kila Sheena, Charm, at Coleen na nadukot ako pero alam ni Kath ang tungkol dun. I asked her not tell anyone kasi ayokong mag alalala pa sila, saka ayokong mag karoon ng issue.

"Bukas na ang meeting de avance. Ready na ba kayo?" Sabi ni kuya Jayvee. Siya ang President ng party namin at leading siya sa votes.

"Yep! So ready." Sagot ni Ate Raiza ang tumatakbong secretary naman.

President, VP, Secretary, Treasurer, Auditor, and Sergeant at Arms lang ang positions namin.

"Camilla, are you ready for your speech na?" Tanong ni Ate Raiza.

"Yes po. I'm a bit nervous." Sagot ko naman. Nasa pavilion 5 kami kasi kaunti lang ang tao dito banda.

"Don't be. Balita ko lamang ka nga as Auditor eh." Napangiti naman ako sa narinig ko.

"Thank you." Sabi ko.

Nag remind lang si kuya Jayvee at nag end na din ang meeting namin. Need daw ng beauty rest para bukas.

Ang totoo ay kaya ako kinakabahan dahil kalaban namin sila Nicholas. Matapos ang nangyari ay bihira na kaming nag usap dahil sa sobrang busy namin pareho, pero tuwing mag kakasalubong kami ay binabati naman niya ako.

Gusto ko siyang kamustahin kung ano ng lagay niya pero di ko alam kung papaano ko siya makokontak. Nahihiya naman akong tawagan yung tita niya para lang tanungin ang number niya. Bukas nalang siguro. Mag lalakas loob na ako.

K I N A B U K A S A N

Meeting de Avance na, and I don't know what to feel. Kami ang mauuna sa pag papakilala. Si Coreen na ang nag sasalita, siya ang Treasurer namin next na ako and super kinakabahan ako.

"Thank you, Coreen Abad. Next United students' Auditor Camilla Zoe Lopez."

"Thank you. I'm Camilla Lopez and I'm running for Student Council Auditor. In United Students, we support. We will support the students in both their academic and non-academic endeavors because after all, you also are a part of our successes. We want to be accessible to you guys at all times and ensure you that we, the student government, as well as the administration, have your back. Thank you!" Nagpalakpakan ang lahat. Narinig ko pang sumigaw si Charm kaya napa ngiti ako.

Nilingon ko ang side nila Nicholas. Walang ekspresyon ang mukha niya at nakatingin ng diretso sa field. Bigla akong nakaramdam ng kaunting lungkot dahil di man lang niya ako magawang lingunin.

Nag tuloy tuloy ang pag bibigay ng speech. Nabuhayan ako ng loob ng mag tama ang paningin namin ni Nicholas. Gusto kong ngumiti pero natatakot akong hindi niya suklian ito, kaya nag iwas ako ng tingin. Muli lang akong tumingin sakanya ng siya na ang tawagin para mag salita.

"I want to be a part of student council because it's what I love doing, and what I'm good at. It makes me a better person and allows me to use my skills I would not have otherwise. I want to be a part of council because I can bring unique ideas to council and I like being a part of something that can do good for my school. Thank you." Sagot niya, simple lang, walang echos at straightforward.

Nag tilian naman ang mga babae sa field. Sobrang lakas ng dating ni Nicholas habang nag sasalita siya kaya alam ko ang nararamdaman ng mga babaeng nag hihiyawan sa baba.

Corporate Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon