Chapter 4

201 25 5
                                        


ㅡㅡㅡ
Sweet Lies


“Wala akong masabi Sir Lucian, basta masarap po” ‘yan ang wika ng babae kong estudyante sa harapan ko.

“Salamat Yasmin” nakangiti kong tugon sa kanya at doon naman ito tila kinilig.

Kween Yasmin itong bag mo nakalimutan mo” wika naman ng kasama niya bitbit ang tote bag na puti.

“Salamat Arlene” tugon nito sa kanya.

“Sir Lucian ang cute ng cat headband niyo ha” wika ni Arlene sa akin “Bagay na bagay sa inyo” segunda pa nito at doon ako napangiti. 

“Salamat Arlene” natatawang tugon ko sa kanya at doon nalang din napatawa ang dalawang babae sa harapan ko.

Alas nuebe ng umaga, katatapos lang nila kumain dito sa cafe. “Saan ba kayo pupunta? At parang bihis na bihis kayo” tanong ko sa kanila.

Sasamahan namin si Lengleng na bumili ng regalo kay Jerome, Sir” tugon sa akin ni Yasmin at doon nalang ako napatango.

“Ay uu nga pala” wika ko at doon ko napag-isip na wala pa din akong regalo sa sutil na lalaking iyon, sa susunod na Linggo na ang birthday ni Jerome.

“Sir nakita mo na yung Kuya ni Jerome” tila interesadong wika ni Arlene.

Bago pa ako makasagot sa tanong ng babaeng ito ay doon na ako napatingin sa glass door ng cafe, doon tumagos ang aking tingin sa itim na kotse.

Doon lumabas sa kotse ang halos hindi umaabsent sa pagpunta dito sa cafe, isang Linggo na siyang araw-araw na pumupunta dito.

Napansin naman ng dalawa ang aking pagkatulala kaya doon din sila napalingon.

“Diba yun yung Kuya ni Jerome, Sir?” wika ni Arlene at doon ako tumango “'Yan nga! Hala grabe Yasmin totoo nga yung sinasabi ni Lengleng!” segunda nito na tila kinikilig pa.

“Tara na umalis na tayo dito beh!” hindi mapakali si Yasmin na tila nakakita ng artista.

“Sir bye! Bahala ka na diyan!” pagpapaalam ni Yasmin “Bye sir!” segunda pa ni Arlene at doon na sila dali-daling lumabas sa pintuan ng cafe.

Kasabay ng paglabas ng dalawa ay doon naman pumasok ang lalaking kabababa lang ng sasakyan.

Nakarehistro na sa mukha niya ang ngiti nitong kamakailan ko lang napansin sa kanya, hindi ako bulag at hindi din ako martyr para sabihin na walang malisya ang ginagawa nitong pagpunta sa cafe.

“Hi” tila scripted na ang paulit-ulit nitong pagsalubong sa akin sa tuwing siya ay pupunta dito sa cafe.

“Good morning Engineer” nakangiti kong tugon sa kanya at doon ko ito nakitang napatingin sa suot kong headband. “Ay sorry” paghingi ko ng pasensya at agad ko itong tinanggal.

“No-no! Wag mong tanggalin” gulat naman ako sa pagtugon nito “It suits you, you’re cute” segunda nito na hindi ko inaasahan. Tila hindi niya din ito inaasahang sasabihin ng kanyang bibig.

Dahan-dahan kong isinuot muli ang itim na cat headband, napangiti nalang kaming dalawa nang sobrang pait na tila ikinahihiya namin ang kaharutan ngayong umaga.

Sa halos isang Linggo nitong pagpunta dito sa cafe ay hindi ko maiwasang mapansin ang suot nito, palagi siyang nakaporma na parang palaging paalis. Malay ko ba kung may pupuntahan pa siyang iba bukod dito sa cafe.

Chalks and BlueprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon