this chapter is dedicated to ShaneSarajenaㅡㅡㅡ
Italian's DescriptionAlas-otso ng umaga sa Manang Budang’s Cats Sanctuary.
“Mga Sir, nasa pitumpu’t apat ang kabuuang bilang ng mga pusa dito at hindi pa kasama ang mga kuting na bagong panganak ng ina nila, na kung isasama sa bilang ay nasa mahigit otsenta lahat” wika ng matandang nakasuot ng malong habang bitbit ang isang itim na pusa.
Nandito kami sa bakuran ng bahay ni Manang Budang na ngayon ay sanctuary na ng mga pusa.
Mahihilo ka sa dami ng mga pusang nandito sa likod ng bakuran nila, agaw pansin dito ang mga maliliit na tahanan na tiyak ay pusa ang nakatira dito at may mga nakatayo ding posteng balot sa tela na alam kong para sa mga hayop ito tulad nila.
Wala kang maamoy na mabaho at masangsang na amoy, tanda ng malinis at talagang inaalagan ni Manang Budang ang mga pusang nandito sa puder niya.
“Pasensya na talaga Sir Neil at hindi napapapadpad ang pusa mo dito sa amin. Sa mga na rescue kong pusa sa bayan ay wala doon ang deskripsyon ng pusang hinahanap mo” wika nito sa lalaking katabi ko na ngayon ay tumatango at doon tinanggap ang katotohanang wala dito si Lucifer.
“Ayos lang po ‘yon Manang Budang, hindi niyo kailangan humingi ng pasensya” nakangiting tugon ni Neil sa kanya at doon tumango ang matanda.
“Wala po ba kayong napapansing kakaiba dito, Manang Budang?” nakalimutan kong sabihin sa inyo na nandito din ang presensya ni Jairus na ngayon ay ginagampanan nito ang karakter niya bilang detective na trabaho nito sa China.
May hawak itong maliit na notebook at doon isinusulat ang mga isinasalaysay ni Manang Budang.
“Sa nagdaang araw po ba ay hindi niyo napapansin ang pagbaba ng bilang ng mga alaga niyo?” seryosong wika ni Jairus sa matanda at napatango nalang kaming dalawa ni Neil.
Doon napakamot si Manang Budang dahil tiyak na tumpak ang isinalaysay ni Jairus.
“Sir, sa totoo lang po ay hindi na nagtatangkang lumayas ang mga pusang nandito. Sakto at labis pa nga ang mga pagpapakain ko sa kanila dahilan para walang magkasakit. Sa ngayon ay hindi naman nababawasan ang bilang ng mga alaga ko na ipinagpapasalamat ko dahil hindi ko alam ang mangyayari sa akin sa oras na may mawala sa mga pusang nandito” mahabang salaysay ng matanda at doon tumango si Jairus.
Pinapanood lang namin ni Neil at ang pag-uusap ng dalawa.
“Pero Sir, seryosong usapan po tayo” doon lumaki ang tenga ko na tila importante ang sasabihin ni Manang Budang.
“Ano po iyon?” tugon ni Jairus at doon namin nakita ang pagtingin ni Manang Budang sa paligid na tila sinusuri niya kung may ibang taong nakakakita sa amin.
Nang matapos suriin ni Manang Budang ang paligid ay doon siya lumapit sa harapan namin at nagsalita ng mahina na tila ibinubulong nito ang bagay na dapat niyang sabihin.
“Alam kong mali ang maniwala sa chismis pero iba na din ang may alam kahit na sa maling paraan” panimulang wika ni Manang Budang at pinakinggan ko ang sunod nitong sasabihin “Narinig ko ito sa usap-usapan tungkol kay Mayor Karlo at sa family business nilang siopao” sunod na wika ng matanda ng doon ko narinig ang pagtunog ng aking phone sa bulsa ng suot kong black jeans.
BINABASA MO ANG
Chalks and Blueprints
Romancea marlkrist story Love isn't something you get to keep, it's something that you cherish it while it last. Sa mundong puno ng kasakiman hindi mo na alam kung sino pa ba ang walang kasalanan. Lucian "Halos lahat ng pangarap ko ay natupad na. Isang pa...