ang chapter na ito ay dedikado kay Beautiful_Dinariㅡㅡㅡ
Customer Is Always Hot
"Kuya, kanina pa may customer sa harapan mo" napaigtad ako sa sinabi ng kapatid ko at doon ko nalang napagtanto kung sino ang customer na sinasabi ni Senna."Hi" nakangiting pagbati niya sa akin.
Imbis na batiin ko ang lalaking nasa harapan ay doon ko iminuwestra ang inis at iritado kong pagmumukha.
"Anong ginagawa mo dito?" taas kilay kong wika sa lalaking parang tangang nakangiti.
"Mainit sa labas, kaya pumasok na ako" natatawang tugon nito sa akin at doon nalang ako napailing.
"Bibili ka ba?" bulyaw kong wika sa kanya.
"Bakit ako bibili? Wala na bang libre?" walang hiya nitong tugon sa akin at doon ko narinig ang pagbungisngis ni Senna.
Muli akong napailing "Lumabas ka na nga" pagtataboy ko sa kanya at doon ko ito binalingan ng titig na alam kong ikakamatay niya.
"Ang sama mo naman sakin Lucian, kung nandito lang si Tita baka binig---"
"Wala siya dito kaya wala kang kakampi" pagputol ko sa parang asong tutang inapi na lalaki sa harapan ko.
"Bakit ka ba ganyan sakin ha?!" tila maangas at naghahamon naman ang itsura ng lalaking ito. "May ginawa ba akong masama sa 'yo? Wala naman diba?" segunda pa niya.
"Baka nakakalimutan mo yung ginawa mo sakin last week?" tugon ko dito "Iniwan mo lang naman ako sa kalagitnaan ng pagkain at umasta kang parang aso na sumunod sa babae mong amo" segunda ko pa sa kanya ng hindi humihinga.
"So nagseselos ka?" seryoso nitong wika sa akin at doon ko muli narinig ang pagbungisngis ni Senna sa likuran ko.
"Neil? Hindi pa ba sapat yung libreng kapeng pinaiinom ko sa 'yo? Ako? Magseselos? Sa lalaking puro kipay lang ang alam?" isang matalas na tingin ang ibinato ko sa walang hiyang lalaki sa harapan ko, doon ko na narinig ang malakas na paghalakhak ni Senna.
"Umuwi kana Kuya Neil, talo ka ngayon sa debate niyong dalawa ni Kuya" rinig kong wika ni Senna sa lalaking sawi sa laban ngayon.
Seryoso at tila paiyak naman ang itsura ni Neil, doon ko inilabas ang aking dila para asarin pa ito.
"Uwi kana beh, balik ka nalang bukas walang yelo ngayon" pang-gagalit ko pa dito habang pilit na pilit ang aking pagtawa.
Doon namin nasaksihan ang paghakbang patalikod ni Neil na tila slow motion pa "I shall return" dahan-dahang wika nito habang humahakbang patalikod.
Nakatingin lang kami ni Senna kay Neil habang tila slow motion ang pangyayaring nagaganap.
Doon nalang napalaki ang mga mata namin ni Senna ng doon may mabanggang tao si Neil na papasok sa loob ng shop.
"Ay sorry pre!" doon na bumalik sa totoong oras ang paligid ng humingi ng pasensya si Neil sa lalaking nabangga niya.
Napailing nalang ako at napa-tungong napa-hawak sa noo tanda ng ikinahihiya ko ang lalaking ito.
"No worries" doon ako napatunghay ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.
"Alis na ako" hindi ko na pinansin pa ang sinabi ni Neil.
"Hi" matamis ang pagkakangiti niya, iyan ang bungad sa akin ng lalaking pamilyar na pamilyar ang pagmumukha.
"Good afternoon Engineer? Am I right?" pilit kong ginagawang normal ang aking pagngiti sa lalaking nasa harapan ko.
"Yeah" doon ko muling nasilayan ang tila hindi mapakaling tingin nito sa akin.
"Hindi mo kasama si Jerome?" wika ko sa kanya at doon ito umiling.
"Ayaw sumama, sa susunod nalang daw" tila nag-aalangan pa nitong tugon sa akin at doon nalang ako napatango.
"So what's your order?" nakangiti kong tugon sa kanya at doon siya tumingala para tingnan ang menu na nakasulat sa green board.
Nakatingin lang ako sa kanya ng doon ko mapansing bakat na bakat ang katawan niya sa kulay blue nitong sweat shirt, nakasuot ito ng black jeans at puting nike shoes. Moreno ang kulay ng balat niya base sa leeg nito na masa---
"What's your recommendation?" naputol ang makamundo kong pag-iisip ng magtanong ito sa akin.
"For coffee drinks I recommend the Affogato an expresso with homemade avocado ice cream, and for pastry naman I recommend freshly bake cookies" nakangiti kong tugon sa kanya at doon nalang ito tumango.
"I go with your words Sir" wika nito sa akin at doon ako tumango.
"Okay, for a while" tugon ko sa kanya at doon ko pinunch ang order niya sa cash register. "You can take a seat muna and if you want to read some books, pwede naman" segunda ko pa sa kanya at doon ito nagpasalamat bago ko gawin ang order niya.
Kasalukuyan kong inilalagay ang cookies sa oven ng doon pumuslit ng tanong si Senna "Sino yun Kuya?" pagtukoy nito sa lalaking dumating.
"Kuya ni Jerome" tugon ko dito at doon ako bumaling ng tingin sa puwesto ng lalaki.
Nakatayo ito at tila pinagmamasdan ang buong shop.
"Jerome? Yung makulit na matalino sa klase mo?" wika pa nito at doon ako tumango.
"Uu, kunin mo na yung ice cream sa ref" tugon ko nalang dito.
Matapos ang ilang minutong pag-aayos ng order ng lalaki ay doon ko na ito sinerve sa kanya.
Prenteng nakaupo ang lalaki sa sofa habang hawak ang isang libro. Bitbit ko ang tray na laman ang order niya.
Nakatingin lang ako at nakatigil sa harapan nito dahil tila hindi niya ako napapansin dahil sa hawak niyang libro.
Napangiti nalang ako at doon nag peke ng ubo para basagin ang presensya niya, tagumpay naman ako at doo ito bumaling ng tingin sa akin na tila napalaki pa ang mata.
"Hi" tanging wika nito sa akin.
Ngumiti ako na parang natatawa "Hello" tugon ko sa kanya at doon nalang ako napasigaw sa looban dahil sa narinig ko ang kantang umalingawngaw sa buong cafe na pinatugtog ni Senna.
I see you
Beside me
It's only a dream
A vision of what used to beOnly Reminds Me Of You ng MYMP.
"Here's your order" nakangiti kong wika sa kanya, doon niya naman inilapag ang libro sa tabi niya at doon ito tumayo.
"Thank you" tanging tugon nito sa akin at doon niya inabot ang tray.
Inabot niya ang tray.
Inabot niya ang kamay ko.
Inabot niya ang tray sa kamay ko.
Nakangiti nalang akong parang tanga dahil sa senaryong iyon. Rinig na rinig ko naman ang mahinang pagtili ni Senna na alam kong nakatingin sa puwesto naming dalawa.
"Enjoy" tugon ko dito at mabilis na akong tumalikod sa kanya.
"I will" rinig kong habol tugon nito sa sinabi ko.
Dali-dali na akong naglakad papasok sa loob ng storage room, nadaanan ko pang nakangiti si Senna sa may counter pero hindi ko na siya pinansin pa.
Pumikit ako at doon huminga ng malalim para ikalma ang sarili ko.
"Lucian, kalma" wika ko sa hangin at doon nalang ako napaigtad sa boses ni Senna.
"Kuya ang hot niya"
"Alam ko"
ㅡㅡㅡ

BINABASA MO ANG
Chalks and Blueprints
Roman d'amoura marlkrist story Love isn't something you get to keep, it's something that you cherish it while it last. Sa mundong puno ng kasakiman hindi mo na alam kung sino pa ba ang walang kasalanan. Lucian "Halos lahat ng pangarap ko ay natupad na. Isang pa...