ㅡㅡㅡ
Mi Manchi“Kailan ka babalik ng Italya?”
“Bakit mo tinatanong?”
“Curios lang pre, hindi ko kasi talaga gusto ang presensya mo dito sa Pilipinas eh”
“Parehas lang tayo pre, hindi ko din gusto ang tabas ng bibig mo”
“Ikaw ba Lucian? Gusto mo ba ‘tong si Italian boy?” huling wika ni Neil bago ako magpakain dito sa kinauupuan ko.
Hindi ko na mabilang kung nakailang palitan na ng asaran ang dalawang ito mula pa kanina doon sa loob ng Xentro Mall. Kahit na gustuhin kong mamili ng mga dadalhin ko bukas na mag-isa ay doon makukulit at tila may balat sa pwet ang dalawang lalaking nasa unahan ko ngayon.
Kasalukuyan na kaming nakasakay sa itim na sasakyan at doon binabaybay ang daan papunta sa Adachi’s Cafe.
“Lucian, tinatanong kita kung gusto mo ba ‘tong si Italian boy?” muling untag sa akin ni Neil habang prenteng nakaupo sa unahang passenger seat katabi ng driver seat.
“Neil, tigilan mo nga. Itikom mo na ang bibig mo at kanina pa ako nabibingi sa inyong dalawa. Katahimikan muna please” inis na inis kong wika sa dalawa dahilan para muli kong mahuli ang nakatutunaw na tingin ni Engineer na tumatagos sa rear view mirror ng sasakyan.
Napailing nalang ako at doon ibinaling ang tingin sa salamin at pinanood ang mga nadadaanan naming establisyemento.
“Paano ba ‘yan pre? Hindi makasagot ang best friend ko” rinig kong pagsisimulang muli ni Neil kaya napailing nalang ako.
Rinig ko ang mahihinang pagtawa nito “Kaya kung ako sa ‘yo Engineer Asher ay wag ka nang umasa pa. Wala ka parin bang bayag pre? Kung hindi ako nagkakamali ay sinabi ko sa kapatid mong si Jerome na kapag haharap ka sakin ay may bayag kana at hindi na mag wawalk out na parang kawawang tuta” segundang pang-aasar ni Neil sa nakalolokong boses.
“Neil” mahinang pagsaway ko sa kanya.
“Wag mo akong sawayin Lucian, hindi ka nga makasagot kung gusto mo ‘tong si Italian boy eh” napalunok ako sa pang babara nitong tarantadong si Neil.
Napailing nalang ako at muli kong nahuling nakatingin si Engineer sa akin mula sa rear view mirror na tila wala siyang pakialam sa pinagsasabi ni Niel.
“Kung hindi mo mamasamain pre, naalala ko sa huli nating pagkikita na nag walk out ka sa mga tanong ko na hindi mo sinagot” untag ni Neil sa lalaking patuloy sa pagmamaneho “Pwede ko bang muling itanong sa ‘yo Engineer Asher?” segunda ni Neil at doon ko nakita ang pagtango nito.
“Spill it” seryosong tugon ni Engineer at muli ko nalang ibinaling ang aking tingin sa labas ng sasakyan.
Tulad ng aking inaasahan ay doon ko naririnig ang mga diretsahang tanungan at sagutan ng dalawang manok sa pagsasabong.
“May kasintahan kana ba?”
“I don’t have one”
“May naiwan ka bang girlfriend sa Italya?”
“Wala”
“Asawa meron ka?”
“Wala”
“May anak ka ba?”
“Wala akong anak”
“May tinatakbuhan ka bang babae sa Italya?”
BINABASA MO ANG
Chalks and Blueprints
عاطفيةa marlkrist story Love isn't something you get to keep, it's something that you cherish it while it last. Sa mundong puno ng kasakiman hindi mo na alam kung sino pa ba ang walang kasalanan. Lucian "Halos lahat ng pangarap ko ay natupad na. Isang pa...