Chapter 1

484 35 23
                                    


this chapter is dedicated to ceessaaaaaaaa
ㅡㅡㅡ

Class Crush Card

"Anong best seller sa cafe mo Sir Lucian?" tanong ng co-teacher sa kanang bahagi ko dito sa loob ng classroom.

"Aba! Ma'am Erica, hindi ka pa ba nakakapunta sa cafe ni Sir?" tanong naman ng isa ko pang co-teacher sa kaliwang bahagi ko.

Napangiti nalang ako sa dalawa at doon ako humarap kay Ma'am Erica.

"Madalas sold out yung signature banana bread ni Mamang at yung macchiato with ice cream na specialty ko" nakangiting sagot ko sa kanya.

"Naalala mo Erica yung sinabi mong masarap na banana bread nung nag Christmas party tayo?" tanong ni Ma'am Shaira.

"Yes Ma'am"

"Si Sir Lucian nagdala niyon"

Napailing nalang ako sa dalawa at doon muling inayos ang mga report cards ng advisory class ko.

May tatlong table dito sa harapan ng whiteboard kung saan pinagpapatungan ng mga cards ng estudyante, may tigda-dalawa namang upuan sa bawat lamesa para sa magulang at estudyante.

March, last day ng school year at bakasyon na ang mga estudyante dito sa Eulji University at card giving day ngayon.

Senior High School Grade 11, marine students ang advisory class ko. Hawak ko ang Section 1 habang ang dalawang teacher na kasama ko ay hawak ang dalawa pang section ng marine.

Filipino subject ang itinuturo ko sa kanila.

"So, buong bakasyon nasa cafe mo lang ikaw Sir?" tanong pa ni Ma'am Erica.

"Malamang sa malamang Erica!" bulyaw na sagot ng kapatid niyang si Ma'am Shaira, magkasing edad lang sila.

Napangiti nalang ako "Mami-miss kita Sir Lucian" muling wika ni Ma'am Erica.

"Kapag may oras kayo bisita kayo sa cafe, libre ko na isang order ng banana bread" nakangiti kong tugon sa kanila.

I owned a cafe shop with a bookshop as well, pangarap ko na yun simula pa nung grade 10.

Dahil mahusay ako pagdating sa pagsulat at paglikha ng mga istorya, nangarap ako dati na magkaroon ng sariling bookshop na mga istorya ko ang ibinibida.

Ngayon? Sa edad na bente singko ay natupad na yung isa sa mga pangarap ko. Isa na akong rehistradong guro at nagmamay-ari pa ng pinapangarap kong negosyo.

"Dito Kuya parang kupal eh!"
"Wag mo akong hilahin!"
"Bilisan mo ipapakilala kita kay Sir"

Mayroon pa akong isang pangarap na gusto kong matupad.

"Sabing sandali Jerome!"
"Ang arte mo Kuya! Bilis!"

Pangarap na alam kong magbibigay sa 'kin ng saya't galak. Isang pangarap ko sa mga madami kong pangarap.

"Saan ba yung classroom niyo dito?"
"Dito oh!"
"Bitawan mo na kamay ko!"

Lalaking magmamahal sa akin ng buong-buo, lalaking susuklian ang pagmamahal na ibibigay ko sa kanya.

At lalaking, lalaking.

Chalks and BlueprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon