this chapter is dedicated to AnginaPectores19
ㅡㅡㅡ
Strawberry and BananaLunes, alas-syete ng umaga sa Sitio La Presa.
“Lucian, wake-up”
“Gising na Lucian”
“There’s someone calling you” paos na boses ang gumigising sa aking diwang natutulog padin.“Hhm..hhmm” ang tanging tugon ko at pilit na isinisiksik ang aking mukha sa dibdib ng inhinyerong katabi ko sa higaan.
“Wake up, may tumatawag sa ‘yo sa baba. Kanina pa kumakatok sa pintuan” muling wika niya habang ramdam ko ang paghaplos niya sa aking likuran dahil yakap-yakap niya ako dito sa ilalim ng asul na comforter.
“Give me more five minutes please” ang wika ko sa kanya dahil ngayon nalang ako muling nakatulog ng ganito kasarap.
Naramdaman ko naman ang paghigpit ng yakap niya tanda ng pumayag siya sa aking hiling na limang minuto pa.
Alam kong kanina pa may tumatawag sa akin at rinig ko rin ang makailang katok ngunit hindi ko iyon pinapansin dahil masarap ang aking higa habang nakayakap sa matipunong pangangatawan ng isang inhinyero.
“Mamaya na ba talaga ang balik natin sa Bugarin? Hindi ba tayo pwedeng mag extend? Hindi ko pa nararating yung mismong hacienda niyo na ikinuwento mo sa akin kagabi” ang mahinang wika nito sa akin.
Nakapikit akong sumagot “Mamaya tayo pupunta sa hacienda, sabi ni Tito Badang na subukan mo raw mamitas ng mga strawberries” monotone kong wika “Kung gusto mo naman mag-paiwan, pwede naman kitang iwan dito” segunda ko pa dahil mamayang hapon nadin ang uwi namin pabalik sa cafe.
“Just make sure Lucian na babalik tayo rito ha” wika pa ni Engineer.
“Kung makakabalik pa tayong dalawa” tugon ko sa kanya na ikinatameme nito “Ang ibig kong sabihin ay kung makakabalik pa tayong dalawa, diba babalik ka rin ng Italya?” paglilinaw ko sa kanya at nagmulat na ako ng mata.
Umayos ako ng higa at pinantayan ang mga titig ni Engineer sa akin.
Natatabunan ng kanyang bagsak na buhok ang mga mata nito kung kaya’t gamit ang aking kaliwang kamay ay doon ko inaayos ang bangs ni Engineer.
Ngumiti ako rito at muling inalala ang malalim na naging pag-uusap namin kaninang madaling araw.
“Engineer, just make sure na kapag aalis kana at babalik sa lugar mo, ‘wag na ‘wag kang magpapalam sa a---” hindi ko na naituloy ang aking sinasabi ng siniil na niya ako ng halik.
“Let’s make this day memorable, so wake-up. Bumaba na tayo sa baba at kanina pa may naghihintay sa ‘yo” ang tanging wika niya at napatango nalang ako.
ㅡㅡㅡ
Humahakbang na kami ni Engineer papunta sa kusina kung saan doon nang-gagaling ang tawanan at kuwentuhan sa hapagkainan.
BINABASA MO ANG
Chalks and Blueprints
Romansa marlkrist story Love isn't something you get to keep, it's something that you cherish it while it last. Sa mundong puno ng kasakiman hindi mo na alam kung sino pa ba ang walang kasalanan. Lucian "Halos lahat ng pangarap ko ay natupad na. Isang pa...