this chapter is dedicated to imstevendave
ㅡㅡㅡ
CommanderMartes, alas-sais ng umaga sa Adachi’s Cafe.
Kulang nalang ay mabasag ang salamin na nasa harapan ko dahil sa aking katangahan na ginagawa ngayon.
Nandito ako ngayon sa loob ng storage room habang nakaharap sa salamin at doon inaayos ang kulay tsokolateng apron sa aking katawan.
Hindi ko itatanggi na magmula noong gumising ako ay tila nakalutang parin ang aking diwa sa kalangitan.
Kaunti nalang ay mapupunit na ang aking mga labi dahil kanina pa ako nakangiti dito na parang asong ulol sa mga nangyari kagabi.
“Lucian, relax. Para kang tanga” pagkausap ko sa aking sarili habang patuloy kong inaayos ang apron sa aking katawan.
Tulad ng aking inaasahan ay isang Linggong mananatili dito si Engineer upang tulungan ako rito sa Cafe. Isang Linggo rin akong mababaliw sa tuwa dahil sa mga naka-abang na gagawin naming dalawa.
Kagabi?
Walang pagsisisi sa aking katawan, ginusto ko ang bagay na iyon at tinanggap ko ng buong puso ang mga salitang sinabi niya kagabi.
Anong status namin?
“Are you done, Sir Lucian? Mag open na ba tayo ng cafe?” ang silip ng inhinyero sa pintuan ng storage room.
Nakangiti akong tumango sa kanya at ito’y lumapit sa aking puwesto.
“Pansin ko na magmula noong gumising ay nakaplaster ang ngiti sa labi mo ah” ang wika niya sa aking likuran kung saan inaayos niya ang pagkakatali ng laso ng apron sa aking bewang.
“Baliw” tugon ko sa kanya habang tinitingnan ko ang repleksyon ng kanyang mukha sa salamin.
“Masaya ka sigurong nandito ako ngayon sa tabi mo, masaya ka dahil mananatili ako rito ng isang Linggo” namaos ang kanyang boses at doon niya ipinatong ang kanyang ulo sa aking kanang balikat.
Ang aking kanang kamay naman ay doon ipinatong sa kanyang ulo upang ayusin ang bagsak nitong buhok “Nababaliw ka naman” nakangiti kong tugon sa kanya bago ko maramdaman ang pagpulupot ng mga braso sa aking bewang.
“Lucian” pagtawag niya sa aking ngalan sa boses na alam mong nang-aakit “Magbubukas pa ba tayong cafe? O dito nalang tayo sa storage room?” ang namamaos niyang segunda at napangiti nalang ako.
“Isantabi mo muna ang ganitong bagay, may oras para diyan. Sa ngayon ay mag trabaho muna tayo nang marangal” ang nakangiti kong tugon bago kumalas sa kanyang pagkakayakap.
Humarap ako sa kanya at doon inayos ng aking kanang kamay ang bagsak nitong buhok na tumataklob sa kanyang mata “Kung gusto mong manatili rito ng isang Linggo, kailangan ay pagsilbihan mo ako” ang wika ko rito at pagtango ang sagot niya.
Inilapit ko ang aking bibig sa kanyang bibig upang bigyan ito ng mabilis na halik “Trabaho muna, bago landi ha” ang nakangiti kong wika dito bago ako nagdesisyong umalis sa kanyang harapan.
Rinig ko naman ang atungal nito pagkalabas ko ng storage room, napatawa nalang ako sa kakulitan niya.
--
Alas-nuebe ng gabi sa salas ng bahay nila Lucian.
“Hoy Kuya! Trabaho muna bago landi!” ito ang sagot na narinig ko kay Senna pagkatapos kong ikuwento ang mga nangyari sa Baguio “Kung ayaw mong malugi ang cafe, tigilan mo muna ang makiharot kay Engineer!” segunda pa niya na ikinatawa ko nalang.
![](https://img.wattpad.com/cover/283412309-288-k158385.jpg)
BINABASA MO ANG
Chalks and Blueprints
Storie d'amorea marlkrist story Love isn't something you get to keep, it's something that you cherish it while it last. Sa mundong puno ng kasakiman hindi mo na alam kung sino pa ba ang walang kasalanan. Lucian "Halos lahat ng pangarap ko ay natupad na. Isang pa...