Chapter 8

179 21 1
                                    


ㅡㅡㅡ
Sodomy

19 years ago

Sa edad na pitong taon ay doon ko na nasaksihan ang mundong puno ng kasakiman. Mga taong bulag na bulag sa pera na handang kumitil ng buhay ng inosente para lang sa kanilang mga ka-demonyohan.

Saksi ko at ranas ang demonyong puno ng kabastusan at ka-ululan sa katawan na kayang lamutakin ang bibig ng pitong gulang na lalaki at kayang hipuan ang batang babae na hindi pa magawang makalakad.

Kaya mapapatanong ka nalang sa sarili mo na “Sino pa kayang tao sa mundo ang walang kasalanan?”

Ako? May nagawa na akong kasalanan pero hindi katulad ng kasalanan ng mga demonyong nakapaligid sa amin.

“Maliwanag ang usapan Felix, tatlong bilyong piso kapalit ng buhay ng mga anak mo” malaki ang boses ng demonyong nakamaskara. Palakad-lakad ito sa harapan ng hubad at sugatang katawan ng nakataling dalawang bata.

Madilim ang buong paligid at tanging liwanag mula sa bilog na buwan ang nagpupumilit pumasok sa mga sulok ng bawat kahoy na pader.

Tila kami ay nasa lumang bodega ng pagawaan ng sasakyan dahil nakakasulasok ang amoy ng mga likido at grasa.

Ramdam ko ang simoy ng nakamamatay na mabahong hamog at ang malamig na sementong sahig na lumalatay sa hubad naming katawan.

Ang nakababata kong kapatid ay alam kong walang malay dahil ramdam ko ang bigat ng katawan niya na dumadantay sa likuran ko.

Samantalang pinipilit kong hindi magsalita dahil sa sakit ng mga pasang natamo ko kanina sa kademonyohang pangyayari.

“Pulis? Anong magagawa ng pulis? Bago pa kayo makapunta dito pugot na ang ulo ng mga anak mo! Kaya pukingina mo kung hindi mo kayang sumunod sa usapan papatayin ko na ang mga ito!” galit na galit pang wika ng demonyong lalaki at doon ko rinig ang mga tawanan ng kapwa niya demonyo sa paligid.

Naalala ko na kanina lamang ay para kaming nasa langit dahil sa tuwang naramdaman namin pagkalabas sa eskuwelahan, ngunit pumikit lang ako saglit ay nandito na kaming dalawa ng kapatid ko sa impyerno.

“Kung hindi mo lang kami kinalaban Felix hindi mangyayari ang lahat ng bagay na ito. Ang bait-bait ko sa ‘yong kabigan, ang bait pa ng boss ko sa ‘yo tapos ito ang igaganti mo sa amin?” malinaw na malinaw sa aking pandinig kung sino ang kausap ng demonyong ito.

Wala akong alam sa kung anong transaksyon ni Papang sa mga taong nandito, hindi ko din alam ang atraso niya sa mga demonyong nakapaligid sa amin para magawa sa aming dalawa ni Senna ang kabastusan at kahalayan na ito.

Kaya muli akong napatanong sa sarili ko na “Sino pa ba ang nakatirang tao dito sa mundo ang walang kasalanan?”

Si Papang ay isang mabuti at mabait na magsasaka, iyon ang alam kong trabaho niya. Alam ko ding mahal na mahal niya kaming buong pamilya dahil naibibigay niya lahat ng gustuhin namin.

Pero bakit? Anong nangayayari?

Sa edad kong ito ay hindi ko magawang gumawa ng konklusyon dahil wala pa akong kaalam-alam. Basta nakikinig at pinagmamasdan ko lang ang aking nasa paligid bago ako gumawa ng desisyon.

Nag-aalala kaya ang bestfriend kong si Neil?

Umiiyak kaya ngayon sila Mamang?

Sino ka ba talaga Papang?

“Tangina mo bilisan mo Felix!” malakas na sigaw nito ang umalingawngaw sa loob ng bodega.

Napatingin ako dito at doon ko nakitang inihagis ang kanyang telepono, bago siya bumaling ng tingin sa akin.

Ang demonyo ay umupo sa harapan ko at doon hinawakan ang aking baba.

“Hoy” seryosong wika nito sa akin at napapikit ako sa sakit ng bigla niyang tinanggal ang masking tape na nakadikit sa aking bibig.

Hindi na magawang lumabas ng luha ko sa aking mata dahil ubos na ito mula pa kanina.

Doon lang ako nakatitig sa demonyong nakamaskara ng bigla niyang dinahandahan ang pag-alis nito. 

“Tandaan mo ‘tong mukhang to, tangina mo” seryoso niyang wika sa harapan ko at doon nalang ako napatango.

Doon ko sinuri ang mukha ng demonyong ito.

Malinis at tila walang bahid ng dumi ang kanyang mukha, hindi mo masasabing demonyo ang lalaking ito sa unang titig mo sa kanya.

Doon ako napapikit ng bigla nalang niyang sinampal ang aking kaliwang pisngi “Bakla tangina” wika nito at doon siya natatawang tumayo sa harapan ko matapos niya akong duraan sa mukha.

“Felix nasaan kana?!” muli nitong hiyaw habang itinataas pa ang kanyang dalawang kamay, doon ko narinig ang tawanan ng mga kasama nito.

Nakatingin lang ako sa demonyo ng doon ko napansing may lumapit dito na nakamaskara din at tila siya ay nagmamadali.

“Boss tumawag si Don Fabio! Back out daw!” tarantang wika nito sa lalaking demonyo.

“Ha?!” tugon nito at doon nalang napalaki ang aking mata ng makarinig ako ng malakas at sunod-sunod na putukan.

“Kuya Lucian, uy”

Ang demonyong nasa harapan ko ay doon ko nasaksihan ang pagsabog ng kanyang ulo dahilan para magtalsikan ang mga lamang loob niya sa mukha ko.

“Kuya gising na”

Doon na ako nawalan ng malay, pero hindi ko makakalimutan ang pangalan na sinambit ng lalaki.

“Kuya Lucian gising na!” doon ako nagmulat mula sa madilim na panaginip.

“Kuya Lucian” napabaling ako ng tingin sa tumatawag sa pangalan ko at doon ko nakita si Senna na hawak-hawak ang aking telepono.

“Bakit?” wika ko sa kanya sa boses ng bagong gising kaya doon ako nag-unat ng katawan.

“Kanina pa may tumawag sa phone mo” tugon nito sa akin habang nag-uunat parin ako ng katawan.

Doon ako umupo at kinuha ang cellphone sa kanya “Sino daw?” wika ko dito at doon siya tumalikod para lumabas ng aking kwarto.

“Aba hindi ko sinasagot Kuya” tugon niya sa akin at doon na ito nakalabas ng pintuan ng aking kwarto.

Doon ko naman binuksan ang phone at tiningnan kung sino ang tinutukoy ni Senna.

“Basta ang nakalagay sa contact name, engineer cutie” napapikit ako sa sinabi nito dahil tila napantig ako sa winika niya “Si Engineer Asher ba yun Kuya?” segunda pa ni Senna sa nakakalokong boses.

ㅡㅡㅡ
 

Chalks and BlueprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon