Chapter 14

141 13 1
                                    


Mag parehistro at iboto ang karapat dapat na maging leader sa ating gobyerno.

dedikado ang chapter na ito kay arjayvilla

ㅡㅡㅡ
The Politician

Alas-dyis ng umaga, sa loob ng Adachi’s Cafe habang mahinang naka play ang mga tugtuging OPM.

“Don Faulo? Fario? Fabo?” mahina kong wika habang seryoso ‘kong isinusulat sa tissue paper ang pangalan na binabanggit ko.

Nakasuot ako ng puting t-shirt at black shorts habang nakasabit sa akin ang brown na apron ng Adachi’s Cafe.

Nakatayo ako sa harapan ng counter habang may kung anong iniisip na pangalan, pangalan na palagi kong nakikita at naririnig sa madumi at barubal kong panaginip.

“Kuya, kailan pala tayo mamimili? Meron pa naman tayong supplies na good for four days, pero mag stock na ba tayo? Tataas daw presyo ng itlog, narinig ko sa balita kagabi” wika ni Senna sa likuran ko kung saan doon siya naglalagay ng icing sa ibabaw ng cupcake.

Hindi ko ito pinansin dahil nakabaling ang aking atensyon sa ginagawa ko.

“Don Falio? Fabro? Fabio? Oo Fabio” seyosong wika ko habang patuloy na isinusulat ang pangalan na binabanggit ko “Don Fabio” segunda ko at doon binilugan ang pangalang Don Fabio.

“Kuya ano na naman ‘yan?” usisa ni Senna nang makalapit siya sa tabi ko “Don Fabio” pagbasa nito sa pangalang nakasulat sa tissue paper.

Bumaling ako ng seryosong tingin sa kanya at doon ako tumango.

“Diba siya yung nasa panaginip mo?” wika nito sa akin at muli akong tumango.

Umiling si Senna “Nako, kung nandito si Papang baka napagsalitaan ka na naman niya Kuya” wika ni Senna at muli siyang bumalik sa likod ko para ituloy ang ginagawa niya.

“Paano ko hindi iisipin Senna? Parang totoo yung panaginip ko. Parang totoong nangyari sa ating dalawa ‘yon” wika ko dito at doon ko kinuha ang tissue paper para lukutin.

“Kuya, kung ayaw mong bumalik sa psycho treatment mo, iwaglit mo na ‘yang si Don Fabio na hindi naman totoo” tugon ni Senna at doon ko tuluyang itinapon ang tissue paper sa basurahan malapit sa counter.

“Pati kung totoo ‘yang si Don Fabio na kumidnap sa atin nineteen years ago, edi sana hindi tayo iiwang dalawa nila Mamang at Papang. Sana doon na din tayo nakatira sa Italy kung totoo ‘yang si Don Fabio” wika pa ni Senna habang diresto ang aking tingin sa kawalan.

“Kung totoo ‘yang si Don Fabio at nasa kapahamakan tayo, edi sana may nagbabantay na sa ating dalawa ngayon” dagdag pa nito at doon nalang ako napatango.

Hindi ko mabilang kung ilang buwan, araw at taon akong nag-suffer sa panaginip kong iyon. Para kasing totoo yung sakit, hinagpis at iyak ko doon sa madumi at barubal kong panaginip.

Chalks and BlueprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon