Chapter 9

185 22 1
                                        


Ang chapter na ito ay dedikado kay masterbaiter69 maligayang pagpasok sa mundo ng kabaklaan.

ㅡㅡㅡ
Last Night

“Kuya, okay ka lang?” wika ni Senna matapos nitong ilapag ang lemon juice sa lamesita.

Tumango lang ako bilang tugon sa kanya.

Alas-dyis na ng umaga at nandito kami ni Senna sa loob ng cafe, Lunes ngayon kaya sarado ang shop.

Tuwing close ang cafe ay doon kami naglilinis maghapon, nag i-inventory, nag i-stock ng mga goods at minsan ay namimili kami ng mga ingredients sa palengke.

Pero ngayon ay katatapos lang namin maglinis.

Kasalukuyan akong naka-upo sa sofa paharap sa labas ng cafe, nakatingin ako sa komosyon na nangyayari sa labas.

Nandoon parin ang itim na sasakyan na naghatid sa akin kagabi, basag ang windshield nito. May nakapalibot na warning yellow tape sa buong sasakyan at doon ko napansin ang ilang mga hugis ng bilog sa lapag na tila iyon ang mga bala.

Seryoso lang akong nakatingin sa labas habang kita ko ang ilang mga polisya at imbestigador habang hindi naman mawawala ang mga chismosang naka-suot ng kanilang national costume na tuwalya.

“Kuya si Accent pala pinahiram ko muna kay Engineer, wala siyang masakyan kagabi kaya binigay ko muna ang susi” patukoy ni Senna sa kotse na naipundar ko mula sa dito sa shop.

Tumango nalang ulit ako bilang tugon habang diretso parin ang tingin sa nangyayaring komosyon sa labas.

Pansin kong nakatingin din sa Senna dito “Narinig ko kanina Kuya na sabi ng pulis baka may connection ‘tong case na ‘to doon sa kabilang bayan, may ninakaw din daw kasing sasakyan sa harap ng Jollibee basag din daw yung mga salamin wika ni Senna sa gilid ko.

Pagtango nalang muli ang naitugon ko sa kanya. Madami akong naiisip na kongklusyon pero pinipilit kong iwaglit ito.

Hiningi ng imbestigador kanina yung cctv footage sa harap ng cafe, pero ‘di maaninag yung itsura ng lalaki. Naka helmet siya at wala pang plate number yung pulang motor bike niya” segunda pa ni Senna sa gilid ko.

Bumaling ako ng tingin kay Senna at doon nagtanong “Senna” pagtawag ko.

“Bakit Kuya?” tugon nito sa akin.

“Sinong nagdala sa akin sa kwarto kagabi?” pagkatapos kong inilabas ang salitang iyon sa aking bibig ay doon rumehistro ang kinikilig na mukha nito,

Maniniwala ka ba kung sasabihin kong ako ang nagbuhat sa ‘yo?” nakangiti at tila inaasar ako nito.

Napa-eye roll nalang ako sa harapan ni Senna at doon inabangan ang sunod niyang sasabihin.

“Kagabi nung nag text kang malapit kana gising pa ako noon, tapos nakita kong nakaparada na yung sasakyan ni Engineer sa harap ng shop. Hindi muna ako lumabas, tiningnan ko muna kung anong gagawin niyo, pero nagulat ako nang makita ko kayong dumapa at doon sunod-sunod na pumutok yung baril” salaysay nito sa akin.

Doon ako napatango.

“Kaya dali-dali akong lumabas nang makita kong kapit-kapit kana ni Engineer kasi nawalan ka na ng malay” wika pa nito “Tumawag na agad ako ng mga pulis kagabi, naglabasan din ang mga chismosa kahit na hatinggabi” segunda pa nito sa akin.

Chalks and BlueprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon