Chapter 12

143 14 0
                                    


ㅡㅡㅡ
Asher Basher


Alas-nuebe ng gabi, sa likod bahay ng pamilyang Casas.

Pag-ahon ko sa swimming pool ay doon ko mabilisang tinumbok ang mahabang ratan na upuan kung saan nakapuwesto si Jerome.

Kasalukuyang naglalaro sa ito sa kanyang cellphone “Jerome may itatanong ako sa ‘yo” bungad ko sa kanya at doon ko nakita ang pag-kunot ng noo nito.

“Wag ka muna magulo Kuya, in-game ako” singhal nito sa akin kaya napailing nalang ako. Nakadamit itong pantulog dahil tinatamad daw siyang maglangoy.

Bago ako umupo sa upuan ay doon ako kumuha ng isang stick ng barbeque na nakapatong sa automatic grill pan na nasa gilid ng upuan.

Nandito kami ngayon sa likod bahay dahil nagyaya si Daddy na mag bonding kami ngayon, ilang week nalang kasi ay muli siyang babalik sa barko para magtrabaho.

Kaya hindi siya nakapagluto nang ayos noong birthday ni Jerome ay dahil inasikaso niya ang papeles sa muli niyang pagbabalik sa trabaho.

Pagka-upo ko sa upuan ay doon ko hinintay na matapos si Jerome sa paglalaro habang kinakain ko ‘tong barbeque.

“Asher ipandong mo yung towel sa likod mo! Ay nako! Baka mahanginan ka, lamig-lamig na eh” napabaling ako sa puwesto ni Mommy kung saan doon may itinuturo sa puwesto ko.

Nandoon silang dalawa ni Daddy sa gitna ng pool kung saan ay masayang magkayap. Binalingan ko ng tingin ang puwestong itinuro niya at doon ko kinuha ang isang puting towel, ipinulupot ko ito sa aking basang katawan dahil nakakaramdam na din ako ng lamig.

“Ang bobo naman ng mga kakampi inis na inis na wika ni Jerome sa tabi ko habang patuloy kong kinakain ang barbeque. 

“Bakit, talo?” usisa ko dito.

“Malapit na, isang kabobohan pa nitong marksman talo na” tugon nito sa akin habang serysoso sa paglalaro.

Tumango nalang ako at doon tumayo para muling kumuha ng isang stick ng barbeque.

Erpat, ikaw ba nag-marinade nitong barbeque?” baling ko kay Daddy sa gitna ng pool.

“Oo” nakangiti nitong tugon sa akin at muli nalang akong bumalik sa pagkakaupo.

Muli kong sinimulan ang pagkain ng barbeque dahil may kanya-kanyang mundo ang mga taong kasama ko ngayon.

Sa pagnguya ko ng karneng ito ay hindi ko malaman kung bakit may ngiting nagaganap sa aking labi. Hindi ko din malaman kung bakit may kiliti akong nararamdaman sa aking looban.

“If you don’t want to ruined this date---i mean this day, then lift up your mood at ienjoy nalang natin ‘tong oras na ito”

Iyan ang mga salitang nagplay sa isipan ko “What?” mahaba kong wika habang malawak din ang aking pagkakangiti.

“Gago” pagsuko ko at doon nalang ako napatawa sa aking sarili. Muli kong itinuloy ang pagkain ng barbeque habang nakangiti akong inaalala ang nangyaring senaryo kanina.

“Ang bobo talaga” muli kong narinig ang inis na wika ni Jerome kaya napabaling ako ng tingin dito.

Binalingan niya din ako ng tingin at doon kumunot ang kanyang noo “Ampota! Bakit ganyan itsura mo?” tila nandidiri niyang wika sa akin.

Chalks and BlueprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon