Chapter 37

74 9 0
                                    

ㅡㅡㅡ
Baguio

Saktong alas-dyis nang itigil ko ang pagmamaneho dito sa harapan ng mga naglalakihang pine trees.

“Engineer, we’re here” wika ko sa lalaking naka-upo sa passenger seat na tila hindi na mapakali sa kanyang puwesto dahil sa kabang nararamdaman niya mula pa kanina.

Nakangiti ko siyang binalingan ng tingin “Nandito na tayo Engineer” wika ko sa kanya at saksi ko ang pilit niyang pag-ngiti.

Sinabihan na kitang huwag kabahan, dahil wala namang dahilan para kabahan ka” natatawa kong wika sa kanya at siya’y napatawa nalang din habang nakatingin sa akin “Hay nako Engineer, as far as I know ang mga katulad mong may propesyon sa industriya ay hindi nahihiya sa mga tao” pag-papagaan ko ng loob sa kanya.

Nakangiti siyang umiling “It’s just that…ano…Sir Lucian, I don’t know kung bakit ako kinakabahan ng ganito..I mean dahil ba sa kasama kita? At natatakot akong hindi nila ako magustuhan para sa ‘yo?” napangiti nalang ako sa kanyang sinambit.

“Ganito nalang” wika ko sa kanya at doon tinanggal ang pagkakakabit ng seat belt upang maka-ayos ako ng upo.

“Isipin mo na kliyente mo silang lahat sa trabaho at kailangan ma-impress mo sila sa ‘yo, makuha mo ang kanilang atensyon para mapagkatiwalaan ka nila sa gagawin mong trabaho” suhestiyon ko sa kanya at nakita ko ang kanyang pagtango.

“Thank you Lucian” batid kong napagaan ko na ang loob niya.

“You’re welcome, hindi naman kita iiwan dito sa Baguio kaya huwag kang mag-alala nakangiti ko pang wika.

“So, let’s go?” tugon niya at ako’y tumango.

Nang tatanggalin na ni Engineer ang suot niyang seat belt ay nagulat ito sa kanyang kinauupuan.

“Che cazzo!” gulat niyang pagmumura habang nakatingin sa batang nakasilip sa bintana sa kinauupuan niya.

Napahalikhik nalang ako sa nangyari at doon nagdesisyong buksan ang bintana sa puwesto ni Engineer.

Nang tuluyang bumukas ang bintana ay sumalubong sa akin ang gwapo at makulit na pagmumukha ng batang gumulat kay Engineer.

“Wow, totoo nga! Totoo nga! Totoo nga si Tiyo Badang! Totoo nga si Tiyo Badang!” maligalig na wika ng batang nakasuot ng puting t-shirt.

“Siya si Ding, isa sa caretaker ng hacienda nila Papang wika ko kay Engineer at doon ito tumango bago tuluyang alisin ang seat belt na suot-suot niya “Let’s go Engineer, mahaba pa ang araw na tatahakin natin” segunda ko dito bago nagdesisyong bumaba sa sasakyan.

ㅡㅡㅡ

“Hindi mawawala ang sasakyan mo doon Engineer, nakita mo ba yung mga nakakabit ang naglalakihang cctv sa pine trees? Takot nalang nila kapag ginalaw ang sasakyan mo, doon pati talaga ang paradahan ng sasakyan” wika ko sa lalaking nasa likuran ko habang patuloy kami sa pag-akyat sa mabatong hagdanan.

“I’m not worrying about that, iniisip ko kung kaya mo pa ba ‘yang bitbit mong sports bag? You want me to carry it?” tugon nito sa akin.

Napangiti ako “Hindi na, alam kong mas mabigat ‘yang dala mong maleta mapang-asar kong wika sa kanya dahil sa dala-dala nitong gamit niya.

Chalks and BlueprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon