Chapter 30

81 12 0
                                        

Aalia - Is This Love

ㅡㅡㅡ
Is this Love?

Miyerkules, alas-nuebe ng gabi sa kwarto ni Lucian.

Katatapos ko lang maligo’t magpatuyo ng aking buhok, nakasuot na ako ng puting bathrobe tanda na maya-maya lang ay matutulog na ako.

Kasalukuyan akong nakaupo dito sa upuan ng aking study table habang naglalagay ng mga skin care products sa aking mukha upang mapanatili ang ganda at healthy ng aking balat dito.

Napapangiti pa ako habang nakaharap sa salamin dahil sa ganda ng aking itsura.

Hindi ko itatanggi na kapag puno ang schedule ko ay nakakalimutan ko ang mag skin care kapag matutulog na. Sadyang kapag sinasapian ako ng sipag at luwag ng oras ay saka ko lang nagagawa ang bagay na ito, ngunit hindi naman nakakaranas ng bagyo ang mukha ko. 

Kahapon ay pagod ang naramdaman ko, isama na ngayong araw dahil sa dami ng customer ang dumadayo dito sa Adachi’s Cafe. Malapit kasi ang pwesto namin sa Windmill na nakatayo dito sa lupain ng munisipalidad ng Pililla, kaya madaming tao tuwing umaga. 

Noong umaga rin ay dumating ang ilang goods mula sa Blessed Sweets. Nag bake din kami ni Senna ng ilang cupcakes at ilang goods for cafe kaya hindi ko nagawang hawakan ang phone ko buong araw dahil sa pag-iitindi namin sa shop, sabagay wala namang tatawag or mag me-message dito.

Nang matapos ako sa pag-aayos ng aking mukha ay doon may kumatok sa pinto ng aking kwarto.

“Bukas” wika ko dito at bumaling ako sa iniluwa ng pintuan.

“Kuya oh, ito na ang garapon mo” si Senna na ngayon ay papalapit sa pwesto ko “Ano bang gagawin mo diyan aber?” segunda niya ng maiabot niya ang malaking cylinder na garapong may takip.

“Basta” tanging tugon ko dito at siya’y tumango.

“Okay, sige na maliligo na ako para makatulog na. Jusko ‘day pagoda si bakla” paalam nito at muli siyang humakbang papalabas ng kwarto “Oo nga pala, bakit pala parang hindi nagpaparamdam si Engineer? Hiyang-hiya parin ba siya sa akin? Sabihin mo nga na okay lang talaga sa akin yung nakita ko. Pati sabihin mo na nasa kanya naman ang boto ko ngayon kaya wag siyang mag-aalala pagtatakang tanong ni Senna sa may pintuan habang natatawa sa huli nitong sinabi.

Tumalikod ako dito at pinagmasdan ang garapon “May pinuntahan, business daw” tugon ko sa kanya at doon ko nalang narinig ang pagsara ng pintuan ngunit alam kong nakangiti ito ng tuluyan siyang makalabas ng kwarto.

Mag-iisang araw nang hindi nagpaparamdam sa akin si Asher. Iniintindi ko nalang na baka busy siya at doon sinisimulan ang plano sa bahay ng kliyente niya. Iniintindi ko nalang.

Huminga muna ako ng malalim bago ngumiti at doon kinuha ang phone kong nakalapag sa kanang bahagi ng lamesa katabi ng necklace na hinubad ko kanina bago ako maligo.

Pagkakuha ko ng phone ay doon ako pumunta sa song application para magpatugtog ng isa sa mga gusto kong Korean songs na ang titulo ay ‘Is This Love’ na inawit ni Aalia.

Isa ako sa mga taong naimpluwensyahan ni Senna sa Korean Culture na hindi ko naman pinagsisihan dahil maganda naman ang naidudulot nito sa akin.

Nang magsimula nang tumugtog ang kanta ay muli ko itong inilapag sa lamesa para doon ituloy ang gagawin ko.

Chalks and BlueprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon