Chapter 44

189 9 7
                                        


this chapter is dedicated to shibuyayuki

ㅡㅡㅡ
Invitation

Huwebes. Alas-tres ng hapon sa Adachi's Cafe.

"Here you go, two pieces of Affogato and five Dark Cacao Cookies for two hundred fifty" ang aking wika at doon inabot sa binatang customer ang paper bag na naglalaman ng kanyang take out order.

"Thank you Sir" tugon naman nito at doon kinuha ang kanyang order.

"You're welcome. Come again" nakangiti kong bati sa kanya bago ito tumalikod at humakbang palabas ng cafe.

Matapos lumabas ng customer ay saglit kong inayos ang pagkakasuot ko sa kulay tsokolateng apron na pumapatatong sa suot kong puting longsleeve, sunod ko namang inayos ang order mula sa isang gurong babae na kanina pa naghihintay doon sa sofa.

"Kailan daw ang uwi ni Senna, Sir Lucian?" rinig kong wika ni Ma'am Shaira mula sa kanyang masarap na pagkakaupo sa rito.

"Hindi pa nagsasabi sa akin Ma'am, pero baka next Friday pa" tugon ko naman habang inaayos sa platito ang banana bread na kanyang order.

"So wala kang kasama here? Gusto mo bang pumasok muna ako rito? Tawagan ko si Erica, tulungan ka namin dito sa cafe" suhestiyon naman niya at napangiti nalang ako.

Matapos kong maihanda ang kanyang order ay inilagay ko ito sa puting tray at humakbang papunta sa kinauupuan niya "No need na Ma'am, dadating naman dito yung pinsan ko bukas" nakangiting tugon ko sa kanya matapos kong ilapag ang kanyang order sa lamesita.

"Okay, if you insist. Hindi naman kita mapipigilan" pagsuko naman nito sa akin at napangiti nalang ako.

Isang araw na ang nakakalipas ng mangyari ang komosyong iyon.

Gumising naman ako mula pa kahapon at hanggang ngayon na tila walang nangyari sa pagitan naming dalawa.

Aaminin ko at hindi ko itatanggi na mabigat sa aking kalooban ang senaryong nangyari noong isang araw, madami pang mga tanong ang dapat na masagot para mawala na ang bigat na dinadala ko. Mga tanong na aayos sa komosyon naming dalawa.

Sa ngayon?

Nagpapalamig muna ako ng ulo at inihahanda ang aking sarili kapag nagtuos na muli kaming dalawa.

"So, kumusta kayo ni Asher? Kumusta ang trip to Baguio niyo?" dumbfounded.

Kung kaya ko lang batukan si Ma'am Shaira ay nagawa ko na "Okay naman" tugon ko sa kanya na alam kong tatawanan niya ako.

"Plastic. Anong okay naman? May nangyari ba? May masama bang nangyari?" tulad ng inaasahan ko ay kilala na ni Shaira ang baho ng aking mukha.

Nakangiti akong peke at doon umiling sa kanya.

Napatawa itong muli kasabay ng pagsubo ng banana bread "Ay kabogera ka Sir Lucian! May LQ agad, taray ha" pang-aasar nito na ikinatawa naming dalawa.

"Wala Ma'am, walang nangyari" muli kong pagsisinungaling sa kanya.

Umiling ito "Jusko, tigilan mo ako sa kasinungalingan mo Sir Lucian. Alam ko ang timpla ng mukha mo kapag nagsasabi ka ng totoo at hindi" wika nito "Hindi mo ba sinunod yung sinabi ko sa 'yo? Na to get the heart of an Italian man ay through his stomach, hindi mo ba hinain ang sarili mo?" segunda pa niyang nakaloloko.

Huminga ako ng malalim "It's complicated Ma'am, may misunderstanding lang na nangyari" seryoso kong wika sa kanya.

Tumango ito "Maayos ba? Nag kaayos na kayo? Nag-usap na kayo?" tugon naman niya at doon ako umiling.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 28, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chalks and BlueprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon