Chapter 15

120 14 5
                                    


this chapter is dedicated to CecilLindayag

ㅡㅡㅡ
Lucifer

Alas-tres ng hapon sa Adachi's Cafe.

"Here's your order Madams" wika ko sa dalawang may edad at sopistikadang babae na nakaupo sa dilaw na sofa.

Inilapag ko sa harapan ang order nilang hot choco coffee at tatlong piraso ng cookies.

"Thank you Sir Lucian, you look good all the time" nakangiting wika ng isang babae na mahaba ang buhok na nakasuot ng pulang floral dress. Putok na putok ang kulay pink niyang labi.

Samantalang ang kasama niyang hindi ko kilalang babae na maikli ang buhok ay nakasuot din ng asul na floral dress.

"Thank you po Madam Nenette" tugon ko sa may ari ng airbnb doon sa may kabilang street, ilang minuto lang ang lakad ng layo mula dito.

"By the way Sir Lucian, may bago akong customer sa isang room ng airbnb" wika nito habang diretso akong nakatayo sa harapan nila habang hawak ang puting tray.

"Sino po doon Madam?" tugon ko sa kanya kahit na may ideya na ako kung sinong tinutukoy nito.

"He's name is Jairus, hindi pa ba siya napapadpad dito? Ni recommend ko kasi sa kanya itong cafe mo" wika niya at doon nalang ako napatango.

"Ah okay po. Dumaan na siya dito, dalawang beses na" tugon ko sa kanya at doon ito tumango.

"Mind me Sir Lucian if sabihin kong i-guide mo siya kapag may kailangan siya dito sa lugar natin. He's from China kasi at hindi niya alam ang mga pasikot-sikot dito. May business lang daw siyang tatapusin, kaya baka next month ay aalis na din siya" suhestiyon nito sa akin at doon ako tumango.

"Sure po Madam" tanging tugon ko sa kanya at doon nalang ito tumango.

"Thank you Sir Lucian" huling wika nito bago ako muling bumalik sa puwesto ko sa counter.

"So bago pala talaga yung Jairus dito, Senna" salubong ko sa kanya na ngayon ay nag bebrewed ng kape.

"Yes Kuya" tugon nito sa akin habang diretso ang tingin sa ginagawa niya.

"Bakit kilala niya ako? Bakit kilala ka niya?" wika ko dito at doon ito tumigil sa ginagawa niya at doon ito humarap sa akin.

"Diba close tayo nung Monday, nag iikot-ikot daw siya dito sa lugar natin hanggang sa mapadpad siya dito sa cafe" salaysay niya "Then napansin niya yung bookshelves na naglalaman ng mga libro mo" segunda pa niya.

"Tapos?"

"Then pumasok siya sa loob ng cafe at doon nga niya tinanong kung binebenta yung mga libro mo, sabi ko na 'oo' then doon nalang siya ngumiti" wika ni Senna.

"Bakit ngumiti?"

"Kasi alam niya daw yung librong yun, reader mo daw siya sa online platform. Kaya siguro nung dumating ka ay biglang umalis, nahiya siguro" huling wika ni Senna bago siya muling humarap sa ginagawa niya.

Chalks and BlueprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon