ㅡㅡㅡ
Adachi's Cafe2 weeks ago
"Kuya nag deliver pala kaninang umaga ng pastry yung Blessed Sweets" wika ng kapatid ko habang patuloy akong pumipindot sa screen ng cash register.
"Nilista mo ba Senna? May kulang pa sila satin na brownies nung isang Linggo pa" tugon ko sa kanya habang patuloy sa pagpindot.
"Nalista ko naman Kuya, pati sinabay na nila yung kulang na brownies sa dinala nila ngayon" tugon nito sa akin at doon nalang ako tumango.
Dalawang Linggo mula nang magsimula ang bakasyon, may mga memos parin kaming mga teachers na gagawin pero madali lang iyon para sa akin.
Alas tres na ng hapon mula nung magbukas ang Adachi's Cafe, sa tulong nila Mamang at Papang ay naipatayo ko itong shop ko.
Barista slash chef and owner ang role ko dito, samantalang sa edad twenty two ay manager at worker na si Senna na ngayon ay regular nang employee sa sarili kong business.
Hindi na ako nagbalak pang mag hire ng ibang tao dahil kayang-kaya naman naming dalawa. Kahit wala ako sa store ay kayang mag-isa ni Senna.
Karamihan sa mga goods and pastry namin dito sa Adachi's Cafe ay mula sa mga shops sa syudad. Tulad nalang ng Blessed Sweets na regular na kaming kumukuha ng mga pastry tulad ng cookies, brownies at ilang cakes.
Ang ilang mga coffees naman ay freshly brewed, inangkop pa namin yung mga beans sa Baguio kung saan nandoon ang plantation ng kape nila Tito Badang.
Ang ilang mga libro naman dito sa shop ay galing sa mga authors na nagbebenta ng kanilang libro, pero karamihan ay mga libro ko ang nandito. Fantasy, children's book, horror, romance ang mga tema ng libro na nailimbag ko, karamihan sa kanila ay puro gays love.
"Senna may stock pa ba tayo ng banana bread?" saglit kong itinigil ang pagpindot sa monitor at doon binalingan ng tingin ang kapatid kong patuloy na nagpupunas ng mga utensils.
"May 2 dozens pa naman sa ref, tawagan na ba natin si Mamang?" wika nito sa akin habang patuloy siya sa pagpunas.
"Sa isang araw nalang siguro" tugon ko sa kanya at muli akong bumalik sa pagpindot sa monitor ng cash register.
Nasa Milan, Italy sila Mamang at Papang, doon na silang dalawa nakatira for good.
Everytime na mag iistock kami ng banana bread ay palagi naming tinatawagan si Mamang para may guide kami at may touch parin ng recipe niya.
Pinaghalong puti at milky brown ang kulay ng buong shop, glass ang pader ng harapang bahagi samantalang ang likod ng shop ay dumudugtong sa bahay namin.
Kaming dalawa lang ni Senna ang nasa bahay kaya nagagawa naming mag ingay kahit na anong oras.
Sa kanang bahagi ang entrance kung saan doon sasalubong ang counter, sa ilalim ng counter ay doon naka-display ang mga pastry and goods na ibinebenta namin.
Nakapatong naman sa counter ang mga machines tulad ng espresso machine, oven, grinder at ilang pang mga kagamitan.
Sa kanang bahagi naman ay ang mga tables, chairs and sofas. Puno naman ng aesthetic designs ang buong cafe na ginawa ni Senna dahil isa siyang art student.
Sa isang pader ay doon nakadikit ang ilang mga pictures ng mga happy customers.
Agaw pansin naman ang mga hanging cabinets kung saan doon nakalagay ang mga libro kong ibinebenta.
Cozy and relaxing ang mararanasan mo kapag pumunta ka sa Adachi's Cafe, you can even request a song na gusto mong patugtugin sa cafe.
Overall? Perfect 5 stars ang nakukuha namin sa mga inspector at customer.
Napapangiti nalang ako sa tuwing inaalala ko ang mga bagay na meron ako ngayon.
Ano pa kaya ang magpapangiti sa akin?
"Kuya, kanina pa may customer sa harapan mo" napaigtad ako sa sinabi ng kapatid ko at doon ko nalang napagtanto kung sino ang customer na sinasabi ni Senna.
"Hi" nakangiting pagbati niya sa akin.
ㅡㅡㅡ
BINABASA MO ANG
Chalks and Blueprints
Romansaa marlkrist story Love isn't something you get to keep, it's something that you cherish it while it last. Sa mundong puno ng kasakiman hindi mo na alam kung sino pa ba ang walang kasalanan. Lucian "Halos lahat ng pangarap ko ay natupad na. Isang pa...