Chapter 34

80 8 0
                                    

ㅡㅡㅡ
Romeo and Julio 

“Mga ilang oras ang tapos ng pagpapalinis mo ng ngipin?” ang wika ni Neil sa kabilang linya ng telepono.

“Thirty minutes lang ‘yon Neil, tawagan kita after kong matapos para makapunta na tayong Xentro Mall” tugon ko sa kanya at rinig ko naman ang pagsang-ayon nito.

Alas-dose na ng tanghali at tirik na tirik ang haring araw, kasalukuyan akong naglalakad papunta sa Dental Clinic ni Doctora Mapalo upang mag palinis ng ngipin para sa pagpunta ko sa Baguio bukas.

Si Neil naman ay kasalukuyang nasa computer shop ilang minuto lang ang layo sa Dental Clinic dito sa bayan.

Hindi ko itatanggi na gulat na gulat kami ni Senna kahapon sa nangyaring komosyon sa cafe. Ang alagang mahal na mahal ni Neil ay wala na, tanging balat nalang ng pusang si Lucifer ang nasa loob ng kahon na dala-dala ni Neil kahapon.

Akala ko’y magbabago ang behavior ni Neil dahil sa nangyari sa kanya. Ngunit nagulat nalang ako kaninang umaga nang siya mismo ang nag presenta na sasamahan niya raw ako sa pamimili ng mga dadalhin kong pasalubong kila Tito Badang at Lola Cery.

Si Senna? Wala na, nasa byahe na sila papuntang Zambales kaya’t sarado ngayon ang cafe.

Nilakihan ko na ang paghakbang ng masilayan ko na ang aking pupuntahan “Welcome po Sir Lucian” iyan ang wika ng assistant dentist sa akin pagkapasok ko ng dental clinic.

“Good afternoon, nandiyan na si Doctora?” nakangiti kong tugon sa kanya at doon ito tumango.

“Yes Sir, pasok na po kayo sa loob” wika nito at doon ako inilalayang pumasok sa loob ng isang kwartong salamin ang pader.

---

Kasalukuyan na akong nakahiga dito sa itim na dental chair habang ginagawa ni Doctora Mapalo ang kanyang trabaho sa aking bunganga’t ngipin. Hindi ko mawari ang tawag sa mga apparatus na ginagamit ni Doctora dahil hindi naman ako isang dentista.

Isa akong guro na tanging marker at chalk ang aking maipupusta.

Naranasan niyo na bang kausapin ng dentista habang ginagawa nila ang trabaho nila sa ‘yo?

Yung nakanganga kang sumasagot sa tanong nila?

“Ay alam mo ba Sir, nakakaloka si Christopher nung bago magbakasyon impormal na pagkausap sa akin ni Doctora na parang mag tropa lang kami.

Si Christopher ay anak ni Doctora Mapalo at estudyante ko sa Grade 11 Filipino subject. 

“Err…beker….pe” tugon ko sa kanya habang doon may sumisipsip na hose sa aking bibig.

“Edi may play daw sila ng Romeo and Juliet sa school para sa finals nila sa theater and arts. Kaso ang challenge sa kanila ay puro sila lalaki since alam niyo naman na he is taking a marine course” unang pagsasalaysay ni Doctora na tila alam ko na ang kanyang ikukwento.

Kahit nakabuka ang aking bibig ay napapangiti nalang ako.

“That’s why tawa ako ng tawa nang sinabi niya sa aking siya ang napiling gumanap na Juliet at nakasalalay kay Christopher kung sino ang magiging partner niya at alam mo ba Sir na ang daming nag audition sa mga classmate niya bilang Romeo” mabilis at masayang pagkukuwento ni Doctora at ako’y napapangiti nalang.

“At iyon si bakla, pinili ang crush niya” natatawang wika nito kaya napatawa nalang din ako kahit na patuloy ang paglilinis ni Doctora sa aking ngipin.

Chalks and BlueprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon