ㅡㅡㅡ
FridayAlas-sais ng umaga sa Adachi’s Cafe.
Prente akong naka-upo sa sofa habang diretso ang aking tingin sa malaking telebisyon na nakasabit sa kaliwang bahaging pader ng cafe.
Kasalukuyan akong nanonood ng balita habang si Senna ay patuloy ang pagpupunas sa counter at ilang kagamitan dito.
Katatapos lang naming gumawa ng ritwal mula pa kaninang alas-singko bago kami magbukas ng cafe maya-maya lang.
Diretso lang ang aking panonood nang may maisip akong itanong sa kapatid kong isang baliw “Anong oras ng alis mo bukas Senna? Susunduin ka ba daw dito?” pagtatanong ko patukoy sa isa o dalawang Linggo nitong pagbabakasyon sa Zambales.
“Ten ng umaga daw Kuya, yun yung sabi ni Fatima. Susunduin raw ako ng driver nila, ewan ko basta alas-dyis ng umaga” wika nito sa likuran ko na patuloy parin sa paglilinis.
Tumango nalang ako at doon itinuloy ang panonood sa telebisyon na kasalukuyang ibinabalita ang magiging panahon ngayong araw at sa susunod na Linggo.
“Ikaw Kuya? Anong oras ng pagpapalinis mo ng ngipin bukas?” untag nito sa akin.
“Twelve ng tanghali ang schedule ko kay Doctora Mapalo” tugon ko dito at tuloy sa panonood.
“Talagang handang-handa sa pagpunta ng Baguio ah, pati pagpapalinis ng ngipin kailangan ready?” wika ni Senna sa tonong nang-aasar.
Napailing nalang ako sa nais niyang iparating.
“Nag reach out na ba sa ‘yo si Engineer? Anong oras ng alis niyo sa isang araw, I mean sa Linggo?” tanong pa nito ngunit hindi ko nalang sinagot dahil sa pakikinig ko sa balita.
“Balitang foreign naman tayo mga kababayan---” wika ng lalaking news anchor sa telebisyon.
“Basta Kuya, mag behave kayo ni Engineer dito sa cafe kapag kayong dalawa lang ang mag---”
“Wag ka munang magulo Senna” pagputol ko sa pang-aasar ng babaeng ito dahil tila kailangan kong mapakinggan ang balitang naka flash sa screen.
Batid naman ni Senna na seryoso ang aking pagtutok at pakikinig sa balita dahil natahimik ito at ramdam kong papalit siya sa aking puwesto para panoodin rin ang balitang isinasaad.
“Isang tinaguriang Mafia Boss ang nasawi sa kaguluhang naganap sa isang casino sa Sicily, Italy. Tinatayang mahigit kumulang isang bilyong piso ang nasirang kagamitan sa kaguluhang ito. Pansamantala namang ipinasara ang nasabing casino pinagganapan ng kaguluhan”
“Nasa ilalim na ng INTERPOL Italy o International Police Cooperation Service ang kaso sa ilalim ng hidwaan at kaguluhan ng mga Mafia Bosses sa Italya. Para narin sa pribasiya ng mga nasasangkot, hindi na inilabas sa publiko ang mga pangalang sangkot sa kaguluhang ito.”
BINABASA MO ANG
Chalks and Blueprints
Romancea marlkrist story Love isn't something you get to keep, it's something that you cherish it while it last. Sa mundong puno ng kasakiman hindi mo na alam kung sino pa ba ang walang kasalanan. Lucian "Halos lahat ng pangarap ko ay natupad na. Isang pa...