this chapter is dedicated to crlsn_ㅡㅡㅡ
Talk
Eight o'clock in the evening, sa loob ng itim na sasakyan.
"Che cazzo" hindi ko mabilang kung nakailang pagmumura na ako sa aking isipan dahil sa kahihiyan na ginawa ko sa harapan ni Sir Lucian.
Pait, hinagpis at inis ang nararamdaman ko sa looban dahil sa atmosperang kinalalagyan ko ngayon.
Gustong-gusto kong bumusina ng sunod-sunod para maalis ang galit at pag-aalala na nararamdaman ko.
Hindi ko na din mabilang kung nakailang sulyap na ako sa gilid kung saan doon nakaupo si Sir Lucian habang nakaharap ito sa bintana ng kanyang inuupuan, alam kong nagtataka ito sa pagkakaroon ng lipstick stain sa aking kwelyo.
Tila na estatwa ako noong tinanong niya sa akin kanina kung bakit mayroong mantsa ng lipstick sa kwelyo ng suot kong longsleeve, hindi ako nakasagot sa kanya dahil hindi ko alam kung tama bang sabihin ko sa kanya ang dahilan sa likod ng bagay na ito.
Noong hindi ako makasagot ay ngumiti nalang siya at doon sinabing umalis na kami para maagang matapos ang gagawin namin. Imbis na maging masaya ang date naming ito ay doon na spoiled ng lipstick stain ang momentum na ito.
"Che cazzo" muli kong pagmumura sa isipan at doon bumusina ng mahaba dahil sa sasakyang patanga-tanga sa unahan "What the?!" inis kong wika matapos ang businang iyon.
Muli kong itinuloy ang pagmamaneho at doon saglit na tumingin kay Sir Lucian na ganoon parin ang puwesto, napabuntong hininga nalang ako at doon muling bumaling ng diretso sa pagmamaneho.
ㅡㅡㅡ
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman sa bagay na iyon, hindi ako makapagdesisyon kung ano ba ang nararapat na emosyon ang ilalabas ko sa aking sarili.
Matutuwa ba? Magagalit? Magtatampo? Hindi ko alam.
"Siyempre Lucian dapat magalit ka, lipstick stain 'yon so it means na hindi seryoso sa 'yo si Engineer Asher. Walang sense ang date niyo ngayon at ang flowers na ibinigay niya sa 'yo nung first date niyo? Pakitang tao lang 'yon. Sa akin ka maniwala kung matalino ka talaga, pagdating niyo sa mall iwan mo na 'yang Engineer Asher na 'yan" iyan ang wika ng demonyong Lucian sa kaliwang tenga ko.
"Sir Lucian, there's always an answer behind those question. Ano yung isang ethics ng guro? Communication tama ba? Try to listen on what Engineer Asher will say about that matter. Communication is the key, also seryoso si Engineer Asher sa 'yo" iyan naman ang segunda ng anghel na Lucian sa kanang tenga ko.
Doon nalang ako napapikit habang nakaharap parin sa bintana ng sasakyan.
Ilang minuto na ang nakakalipas mula noong umalis kami sa cafe, simula nang hindi siya nakasagot sa tanong ko ay doon ko nalang ito niyayang umalis para matapos ng maaga ang bagay na ito.
Ilang minuto na ding tahimik at hindi nag-uusap ang lalaking nagmamaneho, rinig na rinig ko ang buntong hininga niya dahil sa atmosperang kinalalagyan namin ngayon. Batid kong nilalamig din siya dahil tanging gray sando lang ang suot nito, hinubad niya ang longsleeve na may lipstick stain.
BINABASA MO ANG
Chalks and Blueprints
Romancea marlkrist story Love isn't something you get to keep, it's something that you cherish it while it last. Sa mundong puno ng kasakiman hindi mo na alam kung sino pa ba ang walang kasalanan. Lucian "Halos lahat ng pangarap ko ay natupad na. Isang pa...