Chapter 39

51 7 0
                                    


this chapter is dedicated to ShaneSarajena

ㅡㅡㅡ
Save Me

Alas-tres ng hapon sa Sitio La Presa.

Ilang oras din ang inabot ng pananatili ko roon sa hacienda dahil inilibot pa ako ni Tito Badang sa buong lupain nito.

Napagod ang aking panga sa kababati sa mga trabahador at ngalay sa pagngiti sa kanila ngunit tuwa at galak naman ang aking nadama, kaya ayos na ayos lamang.

Doon nadin ako kumain ng tanghalian dahil niyaya kami ni Eros sa isang tahanan sa gitna ng hacienda na bago lamang sa aking paningin.

Kaninong bahay ‘to?” ang pagtatanong ko kay Tito Badang at tila hindi siya makasagot sa aking katanungan.

“Ah..ka..kay Eros…oo kay Ero--”

“Kuya Lucian, dito tumitigil si Tiyo Badang at Kuya Eros...masaya sila dito sa tahanang ipinagawa nila last-last week” ang makulit na sabat ni Ding.

Iyon nga ang rebelasyon na nasaksihan ko kanina.

Mula sa nilalakaran namin ngayon Ding ay doon ko na natatanaw ang likurang bahagi ng mansyon na alam kong may naghihintay sa akin.

Hindi ko nagawang matawagan si Engineer kanina dahil hindi ko naman dala ang aking telepono, kaya umaasa akong hindi siya nagtatampo sa akin dahil ito’y iniwan ko.

Nagpaiwan na si Tito Badang sa hacienda dahil may aasikasuhin pa raw ito, kaya kaming dalawa nalang ni Ding ang naglakad pauwi sa mansyon sa ilalim ng katirikan ng araw at sa lamig ng simoy ng hangin.

Habang papalapit kami sa harapan ng mansyon ay doon ko na naririnig ang ilang tawanan at kwentuhan na batid kong nagsisimula na ang ikot ng bawat tagay.

“Nandito na pala si Senyorito Lucian, halika rito Senyorito ang pag-tawag sa akin ni Kuya Sahir na katiwala sa sakahan ng buko at niyog.

Tumango naman ako bago binalingan si Ding “Pasok mo na ‘to sa loob Ding, baka kailangan na ni Lola” inabot ko sa kanya ang paper bag na naglalaman ng strawberry na inabot sa akin ni Tito Badang kanina.

Muli naman akong bumaling sa pwesto nila Kuya Sahir sa ilalim ng puno ng mangga kung saan sila’y nakabilog ng upo at nakaharap sa lamesitang may kumikinang na bote ng lambanog at ilang pulutan.

Hindi iyon ang kumuha ng aking atensyon bagkus ang isang lalaking prenteng nakaupo sa gitna na tila gusto niya nang makawala.

Humakbang ako papalapit sa kanila ng may ngiti sa labi dahil pinipigilan kong mapatawa sa kanyang itsura.

“Ang aga naman niyan Kuya Sahir wika ko rito habang nakatingin lang sa isang lalaki na titig na titig sa akin.

“Parang hindi ka rito tumira Senyorito ah, alam mo namang pagsapit ng alas-dos ng hapon sa Linggo ay nagsisimula nang umikot ang tagay. Tiyak na dadalawin ka ni Lolo Jhonny kapag kami’y pinatigil mo sa pag-iinom ang pananakot pa sa akin nito kaya napatawa nalang kami.

“Walang magbabasagan ng ulo ha kapag may mga tama na kayo” pag-papaalala ko sa kanila at sila’y napatawa.

“Kami magbabasagan ng ulo? Hindi ah! Nakakahiya naman dito sa artistang kasama mo Senyorito kung ipapakita namin ang kademonyohan namin sa kanya” ang natatawang wika ni Kuya Sahir habang itinuturo pa si Engineer sa harapan niya.

Chalks and BlueprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon