Chapter 38

63 9 0
                                    


this chapter is dedicated to _mrjvk

ㅡㅡㅡ
Patapat Hacienda

Matapos ang higit kumulang na isang oras na pag-uusap nila Lola Cery at Engineer Asher ay nagdesisyon na kaming umakyat sa ikalawang palapag ng mansyon upang ilapag at isaayos ang dala-dala naming gamit.

Kasalukuyan na kaming nasa loob ni Engineer dito sa dating kwarto namin nila Mamang at Papang dito sa mansyon, hindi masikip at hindi rin malawak ngunit kasyang-kasya naman ang dalawang tao at makakatulog kami ng maayos mamaya.

Kaharap lang ng kwarto na ito ang silid nila Tito Badang at Tita Eva na nasa Dubai.

“Alam mo bang mas matanda pa kay Lola Cery ang mansyon na ito, Engineer” pagkausap ko sa lalaking nasa likuran ko habang nakaupo ako rito sa upuan ng study table dahil nagkaroon ako ng emergency meeting sa University.

Hindi naman ako nakarinig ng sagot sa kanya dahil sinabihan ko siyang ayusin ang higaan na tutulugan namin mamaya.

Nagpupumilit pa si Engineer na sa lapag nalang daw siya matutulog, ngunit tinakot ko itong iiwan ko siya dito sa Baguio kapag nagpumilit pa siya. Isa pa na malamig ang sahig at masama sa katawan ng bawat isa.

“Regalo ng Ama ni Lolo Jhonny ang haciendang ito sa kanilang dalawa ni Lola Cery noong bagong kasal sila, at doon na nagsimula ang lahat. Dito sila gumawa ng mga masasayang memories, nagka-anak, apo, kaibigan, trabahador, lahat-lahat na” pagkukuwento ko pa kay Engineer habang patuloy ako sa pagta-type dito sa dala kong laptop.

“Mahal na mahal nila Lolo Jhonny at Lola Cery ang hacienda ang mansyon na ito. Palagi nilang ipinapaalala sa amin na…If you love something, you must protect it. Kapag may minamahal ka, po-protektahan mo kahit ano pang mangyari” patuloy kong pagsasalita sa lalaking hindi umiimik.

“Kaya noong dumating ang sakuna sa pamilya nila Lolo at Lola ay sabay nilang prinotektahan ang bagay na mahal na mahal nila at kasama na rito sila Papang, Tito Badang at Tita Eva” nakangiti kong wika bago ko tuluyang isinara ang aking laptop dahil tapos na rin ako sa aking ginagawa.

“Nakikinig ka parin ba sa akin Engineer?” wika ko at nagdesisyong humarap sa likod kung saan doon nakapuwesto ang higaan.

“Kaya naman pala hindi ka na sumasagot” ang natatawa kong wika.

Hinugot ko ang aking cellphone sa bulsa ng suot kong pants at doon binuksan ang camera upang kuhanan ng larawan ang lalaking nakasalampak sa higaan na mahimbing ang pagtulog.

“Kanina pa ako salita nang salita, bagsak ka na pala diyan” ang natutuwa kong wika matapos ko siyang kuhanan ng larawan sa nakatutuwa niyang pwesto.

Tila isa itong sanggol sa kanyang higa dahil nakatagilid ito pakaliwa habang naka-unan sa kanyang mga kamay.

Batid kong nilalamig ito kaya kinuha ko ang asul na comforter na nakatiklop sa ibabaw ng puting higaan.

Inaayos ko ang comforter at doon sinukob sa katawan ng natutulog na ni Engineer “Hindi ka siguro natulog kagabi ano? Mukhang puyat na puyat ka” wika ko sa kanya matapos kong isaayos ang comforter sa kanyang katawan.

Chalks and BlueprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon