Chapter 19

120 16 1
                                        


this chapter is dedicated to BryanLeal4

ㅡㅡㅡ
He’s So Fine


Alas-nuebe ng gabi sa living room ng bahay ng pamilyang Casas.

“At ‘yon nga ang kuwento sa likod ng picture na ‘yan” natatawang wika ni Tita Wilma habang doon niya itinuturo ang picture sa photo album na nakapatong sa binti niya.

“Ang cute naman ni Jerome” tugon ko sa ikinuwento sa akin ni Tita Wilma. Ang larawang iyon ay naglalaman ng batang umiiyak habang may bitbit na ice cream na tunaw.

Kasalukuyan akong naka-upo sa puting sofa katabi si Tita Wilma dito sa kanilang salas, samantalang tutok sa panonood ng balita si Tito Ricky na doon nakapuwesto sa kabilang upuan.

“Ito naman Sir Lucian nung pumunta kaming Singapore, matagal na ‘yan kaya kita mo ‘tong si Asher? Batang-bata pa” muling wika ni Tita Wilma habang doon niya itinuturo ang ipinapakita niya.

Nakangiting tumango nalang ako at doon nakinig sa mga kuwento nito.

Halos magda-dalawang oras na ako dito sa bahay nila Jerome dahil pinanood ko pang maglangoy ang mag kuyang ito kanina doon sa bakuran, sila daw kasi ang maghahatid sa akin pauwi kaya wala akong nagawa kundi hintayin sila.

Nagpupumilit pa si Jerome na yayain ako pero doon nalang ako humindi, kaya ang ending ay pinanood ko nalang sila.

Hindi ko itatanggi na nakailang sulyap ako sa katawan ni Engineer.

Tulad ng deskripsyon na sinabi ko sa inyo ay doon matikas at buong-buo ang mga muscle ng katawan niya. Doon pa nakakadagdag sa kanyang kalalakihan ang hugis dragon na tattoo sa kanyang kaliwang braso.

Alam kong pansin niya ang pagtingin ko sa katawan nito kaya doon siya todo pasikat sa harapan ko, napapailing nalang kaming dalawa ni Jerome dahil kita namin ang kayabangan ng Kuya niya.

“May ibibigay pala ako sa ‘yong picture ni Asher, Sir Lucian” untag ni Tita Wilma at doon niya hinanap sa photo album ang sinasabi niyang ibibigay sa akin.

Nakangiti lang ako habang tinitingnan ang kilos nito.

“Ito-ito! Ito Sir Lucian” natatawang wika ni Tita Wilma at doon napalaki ang aking mata at bibig dahil sa hawak-hawak niyang maliit at wallet size na larawan.

“Hindi po kaya magalit si Engineer sa akin?” nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba ang picture na iyon.

Umiling ito habang natatawa “Hindi ‘yon magagalit sa ‘yo Sir Lucian” tila dalawa ang ibig sabihin ng  iwinika ni Tita Wilma.

Ngumiti nalang ako at doon dali-daling tinanggap ang larawan na iyon, kinuha ko ang aking wallet sa bulsa at doon mabilis na isinilid ang picture ni Engineer.

“Ang tagal naman ‘ata ni Asher magbihis?” wika ni Tita Wilma habang doon niya sinisilip sa taas ang tinutukoy nito.

Hinihintay ko nalang si Engineer na makababa para maka-uwi na ako, hindi na daw sasama si Jerome dahil pagod na ito kaya kasalukuyang nandoon na siya sa kwarto at nagpapahinga.

“Sir Lucian” baling sa akin ni Tito Ricky at doon ko nakitang pinatay niya ang telebisyon.

“Yes po?” tugon ko dito at doon ko kita ang seryosong mukha ni Tito Ricky.

“About what happened last time, yung accident na nangyari sa inyo ni Asher” muling binuksan ni Tito Ricky ang usaping ito. Bago kanina matapos ang dinner ay doon namin napag-usapan ang tungkol sa aksidenteng iyon.

Chalks and BlueprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon