ㅡㅡㅡ
Fright Ride
"Sir kanina pa tingin ng tingin sa 'yo yung Kuya ni Jerome" wika sa akin ng estudyante kong si Leanne o mas kilala bilang Lengleng.Napabaling naman ako sa kaliwa kung saan doon nakapuwesto ang lalaking sinasabi ni Lengleng. Doon ko nga ito nakitang nakatingin sa akin at bigla naman itong umiwas ng tingin, bumaling siya sa kanyang mga kabigang dumalo sa kaarawan ni Jerome.
Alas-otso na ng gabi at kanina pa nagsimula ang kasiyahan dito sa likod bahay nila Jerome, tama nga ako ng hula dahil kumuha pa ng professional disc jockey ang lalaking ito na tila galing ng Manila. Dahil panalo at kaindak-indak ang musikang maririnig mo dito.
Madaming bisita ang sutil na si Jerome at ngayon ay makikita mo itong doon nakaupo at tawa ng tawa sa lamesa ng mga kaibigan niyang lalaki, samantalang ako ay naka-upo dito kasama ang kikay girls na sila Lengleng, Yasmin at Arlene.
Dumating din ang mga kumare ni Tita Wilma at kita kong nagkakasiyahan sila doon sa loob ng bahay.
Matapos ang sabitan ng apron kaninang umaga ay doon namin pinagtulungan ng Kuya ni Jerome ang pagluluto ng pasta. Sa senaryong iyon ay nagpapakiramdaman kaming dalawa, tanging oo at sige lang ang isinasagot ko sa kanya dahil iyon naman ang tanging sagot sa mga tanong niya.
Habang nagluluto kami ay doon naman ito nagkukuwento kung anong pinagkaiba ng pasta sa Pilipinas kaysa sa Italy.
Hindi niya alam na alam ko din ang pagkakaiba dahil minsan na akong nagbakasyon sa Italy, sa Milan kung saan doon nakatayo ang bahay namin.
"Sir diba sa Italy madaming mga Mafia?" baling sa akin ni Yasmin habang kumakain ako ng pesto.
Tumango naman ako sa tanong niya "Yes sa Italy doon sa Sicily madalas ang hide-out ng mga Mafia" tugon ko naman sa kanya at doon ito tumango.
"Yung Kuya ni Jerome sir mala-mafia boss yung vibes" wika naman ni Arlene at napailing ako.
"Sa mga movie ganyan yung itsura ng mafia pero in real life ibang-iba ang itsura ng mga mafia lalo na yung boss" tugon ko naman sa kanya "Pero depende,hindi pa naman ako nakakakita ng mafia na ganyan ang itsura in real life" segunda ko naman at doon silang tatlo napatango.
"Bakit kasi walang mafia rito sa Pilipinas eh" rinig kong panghihinayang ni Arlene at doon kaming tatlo napatingin sa kanya.
"Anong walang mafia beh? Si Bonek mafia boss yun ah" natatawang wika ni Yasmin.
"Anong mafia beh? Baka mafiangina niya" tila galit-galitang turan ni Arlene na ikinatawa nalang ulit naming apat.
Sa paglipas ng oras ay doon lang patuloy ang kasiyahan sa bakuran nila Jerome, mga nagsasayawan sa tugtog galing sa dj at ang iba naman ay naglalangoy sa pool.
Wala akong ibang ginawa kundi ang kumain at makipagtawanan sa ilang mga estudyanteng lumalapit at nakikipagkuwentuhan sa akin.
Alas dyis na ng gabi at nandito ako sa loob ng banyo dahil tinawagan ko si Senna, katatapos niya lang daw magsara ng shop at naglilinis na ito.
"Message mo ako Kuya kapag pauwi kana ha" huling wika ni Senna sa kabilang linya.
"Okay sige, salamat" tugon ko dito at pinatay ang tawag sa telepono.
Nakaharap ako sa salamin ng sink at doon sinuri ang aking mukha kung may dumi ba ito.
Ngumiti pa ako para suriin ang aking itsura, nang matapos kong tingnan ang aking sarili ay doon na ako nagdesisyong lumabas ng banyo.
BINABASA MO ANG
Chalks and Blueprints
Romancea marlkrist story Love isn't something you get to keep, it's something that you cherish it while it last. Sa mundong puno ng kasakiman hindi mo na alam kung sino pa ba ang walang kasalanan. Lucian "Halos lahat ng pangarap ko ay natupad na. Isang pa...