ㅡㅡㅡ
CommanderAlas-sais ng umaga sa Adachi’s Cafe.
Sunday. Ito ang araw na nakatakda upang humayo kami at kumuha ng mga coffee beans sa Baguio. Isang gabi lang kaming mananatili doon at Lunes din ng gabi ay uuwi na kami.
“Alam na ba ni Tita Wilma na sasamahan mo ako sa Baguio?” ang wika ko sa lalaking gwapong-gwapo sa suot niyang gray jacket.
“Yes po sir” nakangiti niyang tugon sa akin kasabay ng pag-alalay niya sa pagsasara ko ng Adachi’s cafe.
“Okay, good” nakangiti kong wika dito kasabay ng pagkakandado sa pintuan ng cafe.
“Sir Lucian” pagtawag niya sa akin.
“Yes?” tugon ko at doon ko nakitang binabalingan niya ng tingin ang mga gamit sa lapag na dadalhin namin sa Baguio.
“Lagay ko na ‘to sa sasakyan?” nakangiti niyang wika at doon ako tumango.
“As you should” tugon ko naman “Lagay mo na, i-double lock ko lang ‘tong cafe” segunda ko at ito’y tumango.
“Okay po” nakangiti niyang tugon at mabilis siyang kumilos papunta sa kinapupwesto ng kanyang itim na sasakyan.
Umiling ako habang nakangiti dahil sa ikinikilos ni Engineer ngayon “Anong nakain ng lalaking ‘yan?” natatawa kong bulong sa hangin bago ko tinumbok ang mga halaman sa harap ng cafe.
“Tiyak na madadagdagan na kayo sa pag-uwi ko galing kila Tito Badang” pagkausap ko sa mga snake plant na galing din sa kanya.
Kinuha ko ang lagadera sa gilid at doon sinimulang diligan ang mga halamang ito.
Nasa ganoon akong puwesto ng may tumawag sa pangalan ko “Good morning Lucian” boses palang ay alam ko na kung kanino ito galing.
Bago humarap sa lalaking tumawag sa pangalan ko ay inilapag ko ang lagadera dahil tapos na din naman akong magdilig.
Nakangiti ito na tila maganda ang gising “Good morning” tugon ko naman kay Jairus na tila pupuntang basketball court dahil sa suot niyang jersey at hawak na bola.
“Aalis ka Lucian?” nakangiti nitong pagtatanong at ako’y tumango.
“Yep” tugon ko dito at muli siyang nag-wika.
“Saan ka pupunta?” usisa pa niya.
“Baguio, kukuha ako ng mga coffee beans” tugon kong muli at doon siya tumango.
“Ah okay, ingat ka ha. Papunta ako ngayon kila Neil, niyaya akong mag basketball dahil hindi daw natuloy ang lakad niya ngayon gawa ng may papansin daw sa kanila” wika pa nito at napatango nalang ako dahil hindi ko naman tinatanong kung saan siya pupunta.
“Ingat ka din, ingat kayo ni Neil” tugon ko nalang at doon ko nakita ang paglalakad ni Engineer papunta sa aming puwesto.
Nakataas ang kilay nito na tiyak ay hindi maganda ang timpla sa kanyang nakikita “Let’s go Lucian” pagtawag niya ng pansin sa akin at doon ako tumango.
“Ow, magkasama kayo?” tila narindi ako sa kung paano magtanong si Jairus sa akin.
“Let’s go Lucian” muling untag ni Engineer at doon pa hinawakan ang aking kaliwang braso.
“Teka lang pre, kinakausap ko pa si Lucian. Wag kang bastos, parang wala kang manner ah, Engineer ka pa naman” napalunok nalang ako dahil sa sinabi ng lalaking ito.
BINABASA MO ANG
Chalks and Blueprints
Romancea marlkrist story Love isn't something you get to keep, it's something that you cherish it while it last. Sa mundong puno ng kasakiman hindi mo na alam kung sino pa ba ang walang kasalanan. Lucian "Halos lahat ng pangarap ko ay natupad na. Isang pa...