ㅡㅡㅡ
Magkasuyo Buong Gabi
Alas-singko ng hapon sa sasakyan ni Engineer Asher pauwing Bugarin.
“But I’ll keep the words all locked inside
We’ll warm our heart beneath the lights
Of this feeling
‘Di rin lamang maririnig”
“Magkasuyo buong gabi
Masaya’t magkatabi
Magkayakap sa buo---”
“Bakit mo pinatay?” ang wika ng marinig kong tumigil ang kanta sa stereo ng sasakyan ni Engineer.
“It’s getting louder, I thought you are sleeping and I’m afraid to wake you up” tugon niya sa akin habang nakapikit parin ako dahil sa aking nararamdaman “You’re still good Lucian? Dalhin kita sa ospital?” segundang pag-aalala nito.
“’Wag kang o.a hindi naman seryosong sakit ‘to, nahihilo lang talaga ako” tugon ko sa kanya habang prente ang aking higa sa passenger seat katabi ng aking driver na inhinyero.
“I’m not over reacting, I’m just being concerned. Mula noong umalis tayo sa Hacienda ay naging masakit na ang ulo mo ka---”
“Just drive, please” pagputol ko rito.
“Okay po” tanging naging tugon niya sa akin.
Kasalukuyan na naming binabaybay ang daan pauwi sa bahay, nasa compartment na rin ang mga sako ng robusta coffee na dahilan kung bakit kami nagpunta sa Baguio.
Hindi na ako nagpaalam kila Tito Badang at Lola Cery na uuwi, iyon ang habilin nila sa akin dahil tiyak na sa susunod na Linggo o Buwan ay nandoon na naman daw ako sa kanila.
Si Diego naman ay nagpaalam sa akin na sa Huwebes ay susunod siya sa cafe dahil na-miss niya raw ang magtrabaho sa mga kamay ko. Isa pa ay tiyak na gusto niya lang makita si Senna ngunit wala naman ito roon.
Ang totoo niyan ay hindi talaga masakit ang ulo ko.
Iniiwasan ko lang talagang mahagip at makita ng aking mga mata ang itsura ng inhinyerong patuloy sa pagmamaneho.
Sa tuwing makikita ko ang seryosong mukha niya ay doon nalang basta-basta nagpe-play sa aking utak ang senaryong nakasakay siya sa kabayong si Eren na hindi ko itatagong nakalalaglag panga at nakakapag-painit ng katawan.
“Lucian” pagtawag nito sa akin.
“Hhmm?” ang aking tugon.
“Sinabi ko kay mommy na si Senna is out for vacation at nagpaalam na rin ako na baka hindi ako mag stay sa bahay kasi walang tutulong sa ‘yo sa cafe, I want to help you sa shop habang wala ang kapatid mo” wika nito na tila hindi pumapasok sa aking tenga.
“Ano?” takang wika ko “Hindi ka uuwi sa inyo? Saan ka magtitigil?” segunda ko sa kanya habang nakapikit parin.
“Saan pa ba? Sa bahay niyo ako magtitigil, wala kang kasama baka mapaano ka” tugon niya sa akin dahilan para magmulat ang aking mga mata.
Doon ko nasaksihan ang nakangiting inhinyero na tila excited sa mangyayari sa susunod na mga araw.
“You can help me naman sa cafe Engineer, pero I want you to go home dahil nakakahiya kila Tita Wilma…mag mumukha akong selfish dahil ang isa nilang inhinyerong anak mula sa Italy ay isang Linggo muling mawawala sa bahay nila” ang tugon ko sa kanya at ito ay tumango.
BINABASA MO ANG
Chalks and Blueprints
Romantieka marlkrist story Love isn't something you get to keep, it's something that you cherish it while it last. Sa mundong puno ng kasakiman hindi mo na alam kung sino pa ba ang walang kasalanan. Lucian "Halos lahat ng pangarap ko ay natupad na. Isang pa...
