this chapter is dedicated to aleklafayetteㅡㅡㅡ
Night in BaguioAlas-syete ng gabi sa Bayan Park, Baguio City.
“You okay? May gumugulo ba sa isip mo?” ang wika ng isang inhinyero na gwapong-gwapo sa suot niyang itim na jacket.
“May hot sauce po ba sir?” wika ng bababeng shawarma vendor.
“Yeah, sure” tugon ni Engineer sa kanya at muli akong binalingan.
“I guess may gumugulo nga sa isip mo, kanina pa ako nagsasalita rito ngunit hindi mo naman ako pinapa---”
“I’m okay, hindi ko lang nagustuhan ang ambiance doon sa pwesto ng manghuhulang si Bruno” tugon ko sa kanya at ito naman ay tumango.
“Hinulaan ka ba? Binasahan ka ng card? Anong sabi?” wika niya.
“Ninety-five po lahat Sir, for two” ang wika ng tindera at doon inabot kay Engineer ang dalawang shawarma na nakabalot sa puting papel.
“Here, keep the change. Thank you” tugon nito at inabot ang isang-daang piso bago bumaling sa akin at ibinigay ang isang pita shawarma.
“Anong sabi sa ‘yo ng manghuhulang parok?” muling wika niya sa akin at sinimulang maglakad papuntang parking lot kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan.
“Just a thing…hindi naman ganoon ka-importante, sinabi lang na mag-ingat ako” ang tugon ko sa kanya habang diretso lang ang tingin sa paglalakad.
“Well, it’s up to you naman kung paniniwalaan mo sila. They are just like us, humans na may malakas na paniniwala sa kanilang sarili that they can see the future” ang wika niya “If you are afraid to that readings, then there’s nothing wrong for you to follow that manghuhula” ang segunda niya at doon ako tumango.
Binalingan ko siya ng tingin habang kumakagat ng shawarma “Ang isa bang Engineer na katulad mo ay naniniwala sa manghuhula?” tanong ko dito.
Umiling siya “No, they are just like scam, sorcery, a bad omen for me. Hindi ako naniniwala sa kanila. I don’t want anyone else to dictate my future and destiny, because we ourselves made our own story and destiny” tugon niya sa akin at napangiti nalang ako.
“You have a point” wika ko at muling bumaling sa aming dinadaan sa kahabaan ng parke na maraming nagtitinda sa daan, maraming tao at turista ang nandito.
“Ang mga taong naniniwala lang sa mga manghuhula ay yung mga taong maganda ang hula sa kanila, ngunit kung ang hula naman sa kanila ay hindi maganda ay tiyak na hindi sila maniniwala” ang ikalawang may lamang wika niya sa akin at muli akong napatango.
“Tama ka” tugon ko lamang.
“So tell me, anong sabi sa ‘yo ng manghuhula?” ang interesado niyang wika sa akin at doon ko muling naalala ang sinabi ni Bruno kanina doon sa kanyang templo.
BINABASA MO ANG
Chalks and Blueprints
Romancea marlkrist story Love isn't something you get to keep, it's something that you cherish it while it last. Sa mundong puno ng kasakiman hindi mo na alam kung sino pa ba ang walang kasalanan. Lucian "Halos lahat ng pangarap ko ay natupad na. Isang pa...