Chapter 32

81 11 0
                                        

ㅡㅡㅡ
The Call

Alas otso ng gabi sa living room ng bahay ng pamilyang Patapat. 

“Ito na po” katuwa-tuwang wika ni Senna matapos niyang ilapag sa lamesita ang dalawang mangkok na naglalaman ng instant spaghetti.

“Salamat po” pang-gagaya ko sa tono ng pananalita niya at doon kinuha ang isang puting mangkok sa lamesita.

“Anong movie ‘yan, Kuya?” tanong nito matapos siyang umupo sa sofa sa kanang bahagi kung saan nasa likod lang nito ang pintuan ng kwarto ko.

Habang ako naman ay masarap din ang pagkakaupo dito sa sofa sa gitnang bahagi kung saan nakaharap sa malaking telebisyon.

Nasa likuran ko lang ang pintuan papuntang kwarto ni Senna at ng Adachi’s Cafe.

“Fifty Shades of Red” tugon ko sa tanong niya at sinumulang sumubo ng spaghetti gamit ang itim na chopstick.

“Ay taray, ‘yan yung sequel ng fifty shades of pink diba?” tugon ni Senna.

Tumango ako bilang sagot at kita kong sinimulan na din niya ang pagkain.

Kasalukuyan kaming nasa sala at doon nagmu-movie marathon, katatapos lang namin isara at linisin ang cafe kaya deserve namin ito.

Parehas kaming nakasuot pang-tulog ni Senna na tila may pajama party ang nagaganap. Habang tanging pagsubo at tunog mula sa movie ang namumutawing ingay sa buong sala.

Itinaas ko ang aking mga paa sa sofa upang mag indian sit tulad ng pwesto ni Senna ngayon.

“Senna, tumawag pala sakin si Diego kagabi” wika ko dito habang diretso ang tingin sa telebisyon.

“Ano na namang problema ng bading na ‘yan?!” inis na wika ni Senna habang diretso din ang tingin sa nangyayari sa palabas.

“Uuwi daw siya sa Baguio sa Linggo pagpunta namin” tugon ko dito at alam ko ang sunod niyang sasabihin.

“Ay tarush, buti nalang at hindi talaga ako sasama” natatawa at waging tugon nito kaya napangiti nalang ako.

Hindi kasi maganda ang pagsasamahan ni Diego at Senna, para silang tubig at langis na mahirap pagsamahin dahil tiyak na magbabangayan lang ang dalawa kapag pinagsama mo sila.

“Oo nga pala Kuya” pagiiba nito ng usapan kaya humarap sa kanya.

Nakaharap rin ito sa akin habang suot ang mukhang tuta na tila may importanteng sasabihin “Anong mukha ‘yan?” takang tugon ko dito at doon siya ngumiti na parang tanga.

“Baka kasi ma-extend yung staycation namin sa Zambales, susulitin namin ang pag-uwi ni Fatima bago sila bumalik sa New York” tugon nito sa akin habang nangungusap ang kanyang mga mata “So ayon, magpapalaam ako sa ‘yo na baka ma extend at matagalan ang uwi ko” segunda pa nito.

Tumango ako “Okay” tugon ko sa kanya at nakita ko ang malawak niyang pagkakangiti.

Saranghae Oppa nakangiting pasasalamat niya at natawa nalang ako dahil binigyan pa niya ako ng finger heart.

“Ibig sabihin mag isa lang ako sa cafe for a week?” wika ko at muling sumubo ng spaghetti.

Ngumiti siya ng nakakaloko “Kunwari ka pa Kuya, alam ko namang sasamahan ka ni Engineer Asher dito. Kayo ang mag asikaso sa cafe, need ko lang talaga mag-relax at pumapangit ako sa pagtatrabaho sa ‘yo” loko-lokong wika niya kaya napailing nalang ako “Ang tulad kong magaganda ay kailangan ng pahinga, kaya ikaw Kuya? Hindi mo na kailangan” segundang pang-aasar pa nito

Chalks and BlueprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon