Chapter 20

123 14 2
                                    


this chapter is dedicated to Laedekee

ㅡㅡㅡ
Reunion

Alas-syete ng gabi sa establisyemento ng High Noon Bar sa Xentro Mall.

Sigawan, hiyawan, at malakas na tugtugan ang bumabalot na ingay sa buong bar na kinalalagyan ko ngayon.

Bagot, inis at pagkadismaya ang nararamdaman ko habang hawak-hawak ang isang baso ng mamahaling alak na pinipilit ko lang inumin. Nakaupo ako dito sa upuan sa harap ng bar counter kung saan walang sawa ang pagbibigay ng bartender ng alcohol at beer.

Casual white long sleeve polo ang suot kong pang itaas at black pants naman sa pangbaba, black leather na sapatos ang suot ko sa paa. Tila aatend ako sa isang kasalan dahil sa suot ko.

“Kanina ka pa tingin ng tingin sa cellphone mo, nagmamadali ka ba Asher?” untag sa akin ng tarantadong si Charles na katabi ko dito sa harapan ng bar counter.

“Wala kang pake singhal ko sa kanya habang doon ako titig na titig sa oras na tumatakbo sa aking cellphone.

Alas-singko. Five ng hapon ang usapan namin ni Sir Lucian, pero dalawang oras na akong late. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, gustong-gusto ko nang umalis dito sa kinalalagyan ko.

Ilang minuto ang nakalipas noong nagpadala ako sa kanya ng mensahe at doon ko sinabi na baka malate ako, winika ko pa na bigyan niya ako ng thirty minutes bago ako makaalis dito sa reunion na ito.

Bumaling ako ng tingin kay Charles na ngayon ay tawa lang nang tawa “Bakit hindi mo sa akin sinabi na informal reunion pala ito” inis kong wika sa kanya patukoy sa kinalalagayan namin.

“Bakit? Kahit ba formal reunion aatend ka? Siyempre hindi” natatawang wika niya “Ikaw si Asher na sa tuwing may reunion ang batch natin ay hindi mo magawang umuwi dito sa Pilipinas tila may tama na ng espirito ng alak ang lalaking kasama ko.

Si Charles ang tanging kaibigan ko na mapagkakatiwalaan, mula first year college hanggang fourth year ay kasa-kasama ko ito.

Umiling nalang ako at doon pilit na ininom ang alak na hawak-hawak ko. Mula noong nasa Italya ako ay pinipilit ko na umiwas sa mga bisyo tulad ng pag-inom ng alcohol.

So kumusta naman ang isang Italian boy? Paano nga ang hello sa Italy? Bonjour?” nasa ilalim na nga ng espirito ng alak ang lalaking ito dahil doon pa siya nag flying kiss sa harapan ko.

“French ‘yon gago” patukoy ko sa sinabi nitong Bonjour, napatawa nalang siya at doon ininom ang pang benteng baso ng alak na nakalatag sa harapan namin.

Sa kanya ko ibinibigay ang mga baso ng alak na para sa akin, ayokong malasing dahil may date pa ako mamaya.

Dalawang oras na kami dito sa bar at dalawang oras na din kaming nakaupo lang dito sa upuan, matapos ang saglit na batian at kumustahan kanina ay may kanya-kanya nang mundo ang bawat isa.

Arkilado ng batch namin ang bar na ito kaya maingay at magulo ang buong paligid dahil sa mga taong nagkakasiyahan dito. May mga sumasayaw sa indak ng tugtugin ng isang DJ, mga nag-uusap at pagmamayabang tungkol sa mga propesyon na narating nila at mga naglalaro na tila bumalik muli sa pagkabata.

Karamihan sa batch naming ito ay may mga sarili nang pamilya, tulad nitong si Charles.

“Asher” seryosong baling nito sa akin.

“Why?”

“Kailan ka ba…mag…ano..mag-aasawa? Kailan ka…mag…mag ano…mag-kakaanak? Atat na atat na akong makita ang..ano mo..ang..junior mo, asahan  mo na tuwing pasko ay may sampung libong pamasko sa akin ang anak mo” lasing at pasuray-suray na wika nitong si Charles.

Chalks and BlueprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon