s e a s o n 2
Chalks and Blueprints Season 2 | Wattpad Trailer
this chapter is dedicated to arvinO8
ㅡㅡㅡ
Black CatAla-una ng madaling araw sa isang liblib na lugar, tago sa mga kabahayanan at sa kagubatan na kung saan mahirap matunton at makita ng kung sino-sino lang.
Malamig ang simoy at singaw ng hangin, madilim ang kapaligiran na tanging liwanag lang ng bilog na buwan ang nagsisilbing gabay sa daanan.
Ingay mula sa mga nagsasayawang matatayog na puno ng Narra ang maririnig mo. Mga alulong ng ligaw na aso at asong lobo ang paminsan-minsang umaalingawngaw dito, isa na sa dahilan kung bakit walang mangahas na pumasok sa kagubatang ito.
Sa pusod ng kagubatan ay doon may nakatayong isang malaking bodega, bodega na tila isang factory na kailanman ay hindi mo gugustuhing magtagal sa loob nito.
Pusa.
Mabibingi ka sa iyakan at sigawan ng mga pusang nasa loob ng bodega.
Masangsang na amoy ang umaalingasaw sa loob dahil sa dugo na kumakalat sa sahig, dugo mula sa mga inosenteng pusang walang awang pinupugutan ng ulo at kinukuhanan ng lamang loob.
Tarantado, walang-hiya, hayop at gago. Iyan ang mga masasabi mo sa mga demonyong nakasuot ng protective white gear na puro talsik ng dugo, nakamaskara din sila na tila itinatago ang pagkakakilanlan ng madumi nilang pagkatao.
Inosenteng pusa na pinupugutan ng ulo, kinukuha ang lamang loob, at doon isinisilid sa itim na kahon ang balat at ang ulo ng isang pusang inosente matapos nilang kaawain ito.
“Anong tinatayo-tayo mo diyan? Akin na ‘yang sako mo! Bilisan mo!” utos ng isang lalaking nakamaskarang puti na nakapuwesto sa harapang bahagi ng makina, makina na pumupugot sa ulo ng mga inosenteng pusa.
Ang sakong dala-dala ng lalaking nakasuot din ng itim na maskara ay mabigat, mabigat dahil sa mga pusang nasa loob nito.
Iyak at humihingi ng tulong ang mga pusang inosente na nakakulong sa sakong iyon, tila batid na nila ang kanilang kapalaran.
Ang lalaking baguhan ay hindi parin makapaniwala sa nakikita niya sa kanyang harapan. Hindi parin pumapasok sa kanyang isipan na may ganitong klase pala ng kalakaran.
“Tangina mo! Akin na ‘yang sako mo hoy! Bilisan mo!” galit na galit na wika ng matandang lalaki, kaya humakbang nang may bilis ang binatilyo na may bitbit na malaking sako sa kanyang likuran.
Doon maririnig ang walang hintong hiyawan at iyakan ng mga pusang nasa loob nito.
“Ikaw ba yung bago? Kung ikaw nga ang bago, umuwi ka nalang sa inyo at magtago sa panty ng Nanay mo! Hindi pwede ang mabagal ang kilos dito!” bulyaw nito sa isang binatilyo at doon binato sa kanya ang isang libong piso.
BINABASA MO ANG
Chalks and Blueprints
Romancea marlkrist story Love isn't something you get to keep, it's something that you cherish it while it last. Sa mundong puno ng kasakiman hindi mo na alam kung sino pa ba ang walang kasalanan. Lucian "Halos lahat ng pangarap ko ay natupad na. Isang pa...