Chapter 27

92 11 1
                                    


this chapter is dedicated to Nard031295

ㅡㅡㅡ

Banana Bread

Alas-diyes at mainit na umaga sa Adachi’s Cafe.

“Maraming salamat po ulit Sir Lucian, madadagdagan na naman ang alaga ko” nakangiting pasasalamat ni Manang Budang habang ito ay nakasakay na sa loob ng tricycle.

“Walang anuman po Manang, basta kapag may maliligaw ho ulit na pusang kalye dito ay tatawagan namin kayo” tugon ko sa kanya at doon binalingan ang pusang itim na nakakulong na sa loob ng cat cage “Bye-bye muning, magpakalusog ka doon ha” wika ko dito na ikinatawa ni Manang Budang.

“Siya sige na po Sir Lucian, mauna na ako” nakangiti nitong pamamaalam sa akin “Maraming salamat po ulit” segunda pa nito at doon ako tumango.

“Sige po, ingat po Manang Budang nakangiti kong wika at doon kumaway sa papalayong tricycle mula sa pwesto ko.

Nang hindi ko na matanaw ang sinakyan ni Manang Budang ay doon ako bumaling ng tingin sa halaman na nasira ng pusang iyon “Mukhang mabibigyan na naman ako ni Tito Badang ng bagong halaman ah” pagkausap ko sa hangin habang doon sinusuri ang nasirang snake plant.

Dala-dala ang ginamit kong pang tali sa pusang iyon ay doon na ako nagdesisyong pumasok sa loob ng cafe. Pagpasok ko palang sa pintuan ay doon ko na narinig ang pag tunog ng aking cellphone na nasa harapang bulsa ng suot kong kulay tsokolateng apron.

Hinugot ko iyon at doon tiningnan kung sinong tumatawag sa kabilang linya.

‘Engr. Asher is calling’ iyan ang nakaflash sa screen ng aking phone.

Hindi ko muna ito sinagot dahil may customer na kinakausap si Senna sa harapan ng counter, doon ako humakbang sa daan papunta sa storage room para sagutin ang tawag ng isang inhinyero.

Inihagis ko muna ang asul na tali sa pintuang papasok sa bahay namin at doon nagdesisyong pumasok na loob ng storage room.

Patuloy lang ang pagtunog ng aking phone, umupo ako sa upuan sa harap ng malaking refrigerator at doon sinagot ang tawag niya sa kabilang linya.

“Hello?” wika ko dito at doon ko rinig ang makina ng sasakyan na tila nasa loob siya nito at nagmamaneho.

“Lucian” pagtawag palang niya sa pangalan ko ay doon na ako nakaramdam ng milyon-milyong boltahe na gumapang sa aking katawan.

“Yes?” pilit kong inaayos ang aking boses at doon nalang ako napahawak sa pendant ng suot kong necklace.

“Good morning, what’s your agenda for today?” tanong niya mula sa kabilang linya at doon ako napangiti.

“Half day kami ni Senna ngayon sa cafe since mamimili kami ng ingredients at pang-stock sa palengke at mall mamayang hapon. Baka hindi na kami magbukas sa gabi” tugon ko sa tanong niya at doon ko rinig ang pagbuntong hininga nito.

“Okay, please take care ha” bilin nito sa akin at doon ako tumango kahit na hindi niya kita “Call me agad if may problema kayo ha” segunda pa niya.

“Yes po” tugon ko dito at ramdam ko ang pag-init ng aking magkabilang pisngi “How about you? Ikaw? Saan ang punta mo? Nagmamaneho kaba right now?” segunda kong pagtatanong sa kanya at muli kong narinig ang buntong hininga nito.

Chalks and BlueprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon