Chapter 11

172 18 0
                                    


Ang chapter na ito ay dedikado sa isa sa mga mahuhusay na manunulat sa mundo ng bahaghari. Libre at puwede niyong basahin ang ilan sa kanyang mga likha TheGoodBoySide

ㅡㅡㅡ
Date

"I'm really sorry Lucian, hindi ko inakalang ganito ang mangyayari" paulit-ulit na wika ng lalaki sa tabi ko sa tono ng panghihinayang.

"Hindi mo kailangang mag-sorry, walang may gusto ng nangyari" nakangiti kong wika sa kanya para iparamdam na okay lang ako.

"But still I want to say sorry. Kung alam ko lang na ganoon ang mangyayari, sana sa ibang restaurant nalang tayo kumain" ramdam ko ang pagkahiya ng lalaking ito base sa boses niya.

Tumango nalang ako "I said i'm fine wag mo akong alalahanin. I'm good, we can still enjoy this food naman oh" pagpapagaan ko pa ng loob sa kanya at doon itinuro ang pagkaing binitbit namin.

Kanina kasi sa kalagitnaan ng pagkain namin sa isang western restaurant ay doon may nangyaring komosyon, pumutok ang sewer pipe ng banyo doon sa resto kaya umapaw ang masangsang na amoy ng maduming tubig.

Dahil nga umapaw ang maduming tubig sa banyo ay doon ito kumalat sa sahig na naging dahilan para maglabasan na ang customer.

Tanging box ng pizza at burger ang nadala namin ng kasama ko, nagdesisyon nalang kaming lumabas at dito pumunta malapit sa pier.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa isang bench habang nakaharap sa malawak na katubigan, matatanaw mo din ang ilang mga bangka na nakalutang dito at ang mga huni ng mga ibong lumilipad sa unahan namin.

Mapula at may halong kulay ube ang paligid dahil palubog na ang haring araw.

"I said don't worry, it's all fine with me" muli kong wika sa lalaking kasama ko na kanina pa humihingi sa akin ng pasensya. Rinig na rinig ko ang buntong hininga niya tanda ng nanghihinayang ito sa nangyari kanina.

Nakatungo ito na tila hiyang-hiya sa nangyari.

"Che cazzo, che cazzo" mahinang pag mumura nito sa wikang Italyano.

(Che cazzo (kit-kat-so) means 'what the fuck')

Napangiti nalang ako dahil para itong batang hindi isinali sa laro.

Napailing ako at doon ko binalingan ng tingin ang overload pizza na nasa gitna namin.

Kumuha ako ng isang slice "Here" at doon ko inabot sa kanya "If you don't want to ruined this date---i mean this day, then lift up your mood at ienjoy nalang natin 'tong oras na ito" muli kong pagpapagaan ng loob niya at doon naman ako nagtagumpay.

Nasaksihan ko ang malapad niyang pagkakangiti matapos nitong abutin ang slice ng pizza "Okay" nakangiti nitong wika at doon niya binalingan ng tingin ang araw na malapit nang lumubog.

Ganoon nalang din ang ginawa ko, binalingan ko at inobserbahan ang sunset.

Habang nakatingin ako dito ay doon ko pinipigilan ang sumigaw dahil sa mga salitang sinabi ko sa harap niya.

Chalks and BlueprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon