Chapter 25

119 14 3
                                    

ㅡㅡㅡ
Crispin & Basilio

Alas dos ng madaling araw sa isang abandonadong talyer na pagawaan ng sasakyan.

Padabog kong isinara ang pintuan ng aking sasakyan at nagdesisyong humakbang papunta sa lugar kung saan nandoon ang demonyong gustong makipagkita sa akin.

Malamig ang simoy ng hangin dahil madaling araw na ngunit hindi ko iyon nararamdaman dahil sa init at galit na kanina pa gustong makawala.

“Ma che cazzo!” nanggagalaiti kong wika sa hangin habang ang aking kamao ay nangangati nang bumulusok ng suntok sa pagmumukha ng isang tao.

Hindi ko pinapansin ang mga bubog at ilang matatalas na bagay sa daan, tanging ilaw mula sa maliwanag na buwan ang nagsisilbing gabay papunta sa lugar kung saan ako dapat magpunta.

Nang maaninag ko na ang isang maliit at sira-sirang bodega ay nagdesisyon akong pasukin iyon, hindi ako nagkamali dahil doon ko nakita ang isang lalaking nakasuot ng itim na suit at puting maskara habang nakade-kuwatrong upo sa isang silya.

Sa likod ng nakamaskarang lalaki ay nakatayo ang dalawang lalaki na naglalakihan ang katawan, tulad nito ay nakasuot din sila ng black suit ngunit wala silang maskara at kita ko ang kalbo nilang itsura at seryosong pagmumukha ng dalawa.

Dito ko na nararamdaman na tila umuusok ang aking ilong dahil sa galit at inis na aking nadarama, nakakuyom ang aking kamao nang makadating ako sa harapan ng lalaking nakamaskara.

Na kahit nakatago ang kanyang mukha ay hindi nito maitatago ang mga kasalanan at madudumi nitong gawain sa buhay.

“Cosa stai facendo qui?” (what are you doing here?) pinipigilan ko ang aking sarili na makagawa agad ng hindi maganda.

Seryoso lang ang tingin ko sa kanya.

“Basilio, Basilio, Basilio” dahan-dahan nitong wika habang naka-upo at nakatingala siya sa akin “I am your partner with this mission, baka nakakalimutan mo?” segunda niya habang natatawa.

Napatangis ako ng baba dahil sa pagkairitado ko sa sinabi niya “Basta tornare in Italia” (just go back to Italy) pinipigilan kong muli ang galit at pagka-iritado sa kanya.

Umiling ito at doon tumawa Perche? Sei spaventato?” (why? are you scared?) mapanghamong tugon niya sa akin dahil para dito ko na siya masigawan.

Torna nella fottuta Italia!” (just go back to fucking italy?) sigaw ko dito dahilan para mapatayo siya sa pagkaka-upo.

Kita ko sa likod ng maskara niya ang umaapoy na mga mata, hinawakan niya ang baba ko at doon ngumisi na parang psycho sa harapan ko “Bakit Basilio? Natatakot ka nga talaga?” natatawang tugon niya at doon ko ito tinulak.

Muli siyang napa-upo sa upuan at doon sana kikilos ang dalawang lalaki sa likuran papunta sa akin ngunit sinenyasan sila ng gagong lalaking ito.

Huminga ako ng malalim habang gigil na gigil na ang aking kamao “Crispin” pagtawag ko sa pangalan niya “Kung gusto mong makabalik ng buhay sa Italya. Umalis kana, hindi ko kailangan ng tulong mo sa misyon na ito” seryosong lahad ko sa kanya at doon ito tumawa.

Basilio natatawa niyang tawag sa pangalan ko Nakakatawa ka naman” sarkastikong wika niya “Sa tingin mo ba kapag bumalik akong mag-isa sa Italya ay mabubuhay ako? Parang hindi mo naman kilala si Mio Signore, mas gugustuhin ko pang magpatayan tayong dalawa kaysa siya ang humawak ng bala sa buhay ko” seryosong lahad niya sa akin dahilan para dito na sumabog ang galit ko.

“Putangina! Ma Che cazzo! Che cazzo!” frustrated kong tugon sa harapan niya at doon lang ako nito tinatawanan.

Muli siyang tumayo sa pagkaka-upo at doon niya inilapit ang katawan niya sa pangangatawan ko, hinawakan ng kaliwang kamay niya ang ibabang parte ng aking labi at doon nagsalita.

“Don’t worry my Basilio, I won’t do anything na ikakagalit mo sa misyon na ‘to. You don’t need me? Hindi mo ako kailangan? So be it, nasa likod mo lang ako habang pinapanood kang tapusin ang misyon na ‘to” paos ang boses niya na tila doon ako inaakit “At kapag natapos mo na ang binigay na misyon ni Mio Signore, sabay tayong babalik sa Italya. Naintindihan mo ba?” wika nito at doon ko ramdam ang pag gapang ng kanan niyang sa pribadong parte ng aking katawan.

Mabilis kong pinigilan ang kamay na iyon at doon ko nakita ang pagdilat ng kanyang mata “Kneel down” utos niya sa akin habang pilit kong pinipigilan ang paghawak niya sa aking kalalkihan “Sabi ko luhod! Lumuhod ka sa harapan ko Basilio inis niyang wika at doon ako umiling.

Tinigil niya ang pagpilit na sa paghawak sa aking kalalakihan at doon siya tumango “Ayaw mong lumuhod? Ako nalang ang luluhod natatawa niyang tugon at doon siya lumuhod sa harapan ko at ginapang ang kanyang dalawang kamay sa aking bewang.

Nakatungo ako at doon pinanood ang demonyong ito, itinapat niya ang kanyang mukha sa aking pribadong parte ng katawan at doon nag-usap.

“Alam kong miss na miss mo na din ‘to Basilio, matagal-tagal na din mula nang nahawakan ko ang alaga mo” wala sa wisyo niyang wika at doon ko naramdaman ang paghawak niya sa kalalakihan ko “Four years? I guess malaki na ang pinagbago ng pinagmamayabang mong pag-aari, tulad nitong nahahawakan ko na tigas na tigas na” muling napatangis ang aking bagang.

Gamit ang lakas sa aking paa ay doon ko siya sinipa sa mukha dahilan para tumalik siya sa aking harapan, doon ko nakita ang pagsenyas nito sa dalawang lalaki na ngayon ay hawak na ako sa magkabilang kamay.

Bitawan niyo ako! Tangina niyo!” gamit ang lakas ay doon ako pilit na kumakawala sa hawak ng dalawang maton na lalaki, ngunit hindi ko matalo ang kanilang lakas.

Galit na galit akong bumaling ng tingin kay Crispin na ngayon ay natatawang tumayo mula sa pagkakatalsik niya Nakakatawa ka talaga Basilio wika niya at doon ako nagulat ng mabilis siyang humakbang papunta sa harapan ko at doon ako binigyan ng malakas na suntok sa tiyan.

“Che cazzo” daing ko sa sakit ng pagkakasuntok niya, muli kong naramdaman ang kaliwa niyang kamay na inihawak sa aking pisngi.

Basilio, Basilio, ang manipulative sad boy ni Mio Signore” paos niyang wika sa harapan ko habang malapit ang pagmumukha niya sa mukha ko Huwag kang umastang kaya mo akong patayin Basilio, baka nakakalimutan mo na isang usap ko lang baka lumulutang kana sa gitna ng dagat pananakot niya sa akin habang seryoso ang kanyang mukha.

Inilapit ni Crispin ang kanyang bibig sa aking sa aking kaliwang tenga at doon bumulong “Baka nakakalimutan mo rin ang ginawa ko kay Elena. Umayos ka Basilio, baka pumikit ka lang sandali ay nakataob na ang taong binabantayan mo” muli niyang pananakot kaya muling umusok ang aking tenga.

Subukan mo lang gumawa ng hindi magandang bagay Crispin! Hindi lang galit ni Mio Signore ang matitikman mo!” gigil na gigil kong wika sa kanya at doon lang siya natawa.

“Asher, Asher, Asher” dahan-dahan niyang pagtawag sa pangalan ko “Do you want be an ash? Nagpapatawa ka ba?” segunda nito at doon ko kita sa likod ng maskara niya ang panggigil sa akin.

“Asher, walang ibang papatay sa akin kundi ang sarili ko” seryoso niyang wika habang nakakapit parin siya sa aking pisngi “Kung ayaw mong madamay ang binabantayan mo sa alitan nating dalawa, umayos ka. Dahil kahit anak siya ni Mio Signore ay kayang-kaya ko siyang tutukan ng baril sa ulo” pananakot pa nito at doon siya tumalikod sa harapan ko.

“Boys, kayo na bahala diyan sa manipulative sad boy na ‘yan” naramdaman ko nalang ang pagputok ng labi ko at ang kutsilyong dumampi sa aking noo.

Kasabay nito ay doon ko nakita ang pag-ilaw ng suot kong bracelet tanda na hinahanap niya ako.

ㅡㅡㅡ

Chalks and BlueprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon