Chapter 24

107 17 6
                                    


this chapter is dedicated to kentyjohny

ㅡㅡㅡ
3 AM

Alas-tres ng madaling araw at ramdam na ramdam ko na ang ngalay sa aking likuran. Katatapos ko lang mag inventory at kaunting paglilinis ng sulok-sulok ng cafe, tinapos ko din ang ilang mga memos sa university na dapat kong ipasa bukas.

Kasalukuyan akong nasa kwarto at nakatayo sa harapan ng study table habang hinuhubad ko ang necklace na ibinigay sa akin ni Engineer, maliligo ako kaya ko ‘to hinuhubad.

Nang mailapag ko ang necklace katabi ng aking phone sa lamesa ay doon umagaw ng atensyon ko ang clear vase na naglalaman ng lavender roses na ibinigay sa akin ni Engineer noong unang beses niya akong niyayang lumabas, hanggang ngayon ay buhay na buhay at amoy ko parin ang halimuyak ng bulaklak na ito.

Napangiti ako at muling binalingan ng tingin ang necklace na ibinigay niya “Gising pa kaya siya?” nakangiti kong wika at doon ko pinindot ang button ng necklace na iyon.

Napailing nalang ako at doon nagdesisyong lumabas ng kwarto at dumiretso sa banyo para ako’y makaligo na at makapagpahinga.

Inabot ng ilang minuto ang aking paliligo dahil sa lamig ng tubig na ito, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras para magpainit ng tubig dahil ganito din naman ang mangyayari.

Suot-suot ang puting bathrobe ay doon ako muling pumasok sa kwarto habang nagtutuyo ng buhok gamit ang towel. Humakbang ako papunta sa study table dahil nakita kong umilaw ang aking cellphone tanda na may notification.

“Ha?” taka kong wika ng mabasa ko ang notification sa lockscreen habang patuloy kong tinutuyo ang aking buhok.

‘8 missed call from Engr. Asher’ iyan ang nakalagay sa lockscreen, doon ko binuksan ang phone dahil may message pa ito.

“On the way” nagtataka kong basa sa text message niya at nakita kong twelve minutes ago iyon.

Napatigil ako sa pagtutuyo ng buhok nang doon nag-ring ang aking phone tanda ng may tumatawag.

‘Engr. Asher is calling’ iyan ang nakarehistro sa screen, ipinatong ko sa lamesa ang puting towel at doon ako nagdesisyong sagutin ang tawag niya.

Itinapat ko sa aking kaliwang tenga ang phone at pinakinggan ang lalaki sa kabilang linya.

Napakamot ako ng baba dahil tahimik lang ang naririnig ko sa kabilang linya, tanging paghinga lang niya ang aking naririnig ko dito. Hinintay ko siyang magsalita ng ilang segundo dahil nagtataka parin ako kung bakit nag message siya sa akin ng ganoon sa ganitong oras.

“I’m here, I’m outside” napalunok ako ng marinig ko ang paos at tila pagod na pagod niyang boses sa kabilang linya.

Suot ang puting bathrobe ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at nagdesisyon akong lumabas ng kwarto papunta sa kusina kung saan nandoon ang pintuan papunta sa garahe.

Pinatay ko na ang tawag dahil galing na mismo sa bibig niya na nandito siya, nang makalabas ako sa pintuan ng kusina ay tanawa ko na siya na nasa labas ng gate. Muli akong humakbang papunta sa pwesto niya.

Hindi ko mabilang kung nakailang lunok na ako dahil sa kaba na nararamdaman ko, anong ginagawa niya sa ganitong oras?

Nang tuluyan kong mabuksan ang gate ng garahe ay doon nalang napalaki ang aking mga mata.

“What happened?!” gulat na gulat at pag-aalala kong wika sa kanya.

Ngumiti lang ito ng pilit sa akin at doon siya umiling.

Chalks and BlueprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon