this chapter is dedicated to user76280524
ㅡㅡㅡ
LavenderAlas singko ng hapon at kasalukuyan akong nasa loob ng banyo para maligo.
“Sino?! Sinong kasama mo?!” gulat na gulat na wika ng baliw na lalaki sa labas ng banyo.
“Pakialam mo ba Neil?” tugon ko sa kanya habang patuloy ako sa paliligo.
Sunod-sunod ang narinig kong malakas na pagkatok niya sa pintuan ng banyo “Basta sino nga?!” atungal pa ng lalaki sa labas.
“Tigilan mo nga ang pagkatok baka batukan kita diyan!” inis kong tugon sa kanya habang nagsasabon ako ng katawan.
Mula umaga hanggang ngayong hapon ay hindi na umalis si Neil sa teritoryo ko.
Nakabuntot na akala mo isang aso, sabagay madalas talaga siyang nagiging aso sa tuwing magkasama kami dahil kapag makakakita siya ng babaeng uulol sa kanya ay susundan niya ito.
Sa halos twenty years naming pag sasama bilang mag kaibigan ay sinong hindi magsasawa? Isinusuka na nga naming dalawa ang isa’t-isa kapag magkasama kami.
Alam na namin ang mga baho ng bawat isa, kahit ang dumi sa pusod ng lalaking ito ay alam ko.
Sa twenty years naming pagkakaibigan ni Neil ay humahanga ako sa respetong ipinapakita niya sa akin, pero ngayon? parang hindi na din.
Parang magkapatid na kaming dalawa ni Neil at siya ang tila ikatlong anak ni Mamang Verna.
“Sabing wag kumatok diba!?” batok ang isinalubong ko kay Neil pagkalabas ko ng banyo.
“Aray ko!” daing nito, hindi ko na siya pinansin at doon na ako naglakad papunta sa loob ng kwarto para magbihis.
“Hindi nga ako puwede ngayon Neil, may pupuntahan ako sabi” wika ko dito habang nakasunod siya sa likuran ko.
“Saan ka nga pupunta? Sinong kasama mo?” paulit-ulit nitong pagtatanong sa akin.
Niyayaya niya kasi akong pumunta sa bahay nila dahil miss na daw ako ni Tita Linda “Hindi na importante kung sinong kasama ko, basta hindi ako puwede today. Sabihin mo nalang kay Tita na sa susunod nalang” tugon ko sa kanya matapos kong makapasok sa loob ng kwarto.
Narinig kong isinara pa niya ang pintuan pagkatapos niyang sumunod sa akin.
“Sa susunod nalang, sa susunod nalang” labas ilong nitong wika at doon ko siya nakitang tumalon pahiga sa kama “Palagi nalang sa susunod, kailan ba ‘yang susunod mo?” tila inis niyang wika sa akin.
Nakatapis lang sa aking babang katawan ang puting tuwalya “Basta sa susunod kapag wala na akong agenda” baling ko sa lalaking nakadapa na sa higaan.
“Dami mo kasing ginagawa eh kaya ‘yan minsan nalang tayo lumabas, hindi na tayo makapag-bonding together” pagbibiro nito sa akin na ikinataas ng kilay ko.
Nakaharap lang ako sa kanya habang nakahawak sa bewang “Neil? Baka nakakalimutan mo yung ginawa mo sakin last-last week? Pati ako? Oo madami akong ginagawa dahil may trabaho ako. Ikaw? Wala kang ginawa kundi ang manggulo sa teritoryo ko, bumalik kana sa Manila at tulungan mo ang step father mo sa kompanya” sunod-sunod kong tugon sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/283412309-288-k158385.jpg)
BINABASA MO ANG
Chalks and Blueprints
Romancea marlkrist story Love isn't something you get to keep, it's something that you cherish it while it last. Sa mundong puno ng kasakiman hindi mo na alam kung sino pa ba ang walang kasalanan. Lucian "Halos lahat ng pangarap ko ay natupad na. Isang pa...