this chapter is dedicated to jodeyzjedoyzㅡㅡㅡ
ApronPagkatapos ng nakakalokong senaryong naganap kanina ay doon ko nalang muli ipinagpatuloy ang pagluluto ko.
Kasalukuyan ko nang hinahalo at nilalagay sa kawali ang mga lahok ng chao fan. Ito na muna ang inuna kong lutuin dahil iyon ang sabi ni Tita Wilma. Baka daw kasi magdatingan na ang mga bisita ni Jerome para kumain ng tanghalian.
Habang ginagawa ko iyon ay hindi ko mapigilang mapangiti at mapailing dahil sa kalokohang naganap kanina.
Hindi ko maitatanggi na tawang-tawa ako dahil sa kakulitan ng Kuya ni Jerome, tila pinagbiyak na buko talaga ang dalawa dahil parehas na parehas ang kakulitan nila.
"Sir Lucian" boses na nagmula sa aking likuran at doon ko saglit na itinigil ang pagluluto ko.
Bumaling ako ng tingin sa likod at doon ko nakitang nakangiting nakatayo si Jerome "Yes Jerome?" wika ko sa kanya.
"Wala lang po" tugon nito sa akin habang nagkakamot ng ulo kaya napatawa nalang ako.
"Ano nga?" nakangiting wika ko sa kanya at doon ko nasaksihan ang paglapad ng kanyang pagkakangiti na parang baliw.
"Gusto ko lang po mag thank you kasi tinulungan mo si Mommy, need kasi talaga ni Erpat na umalis eh" tila nahihiya nitong wika sa akin at doon ako tumango.
"Ano kaba Jerome? Sabi ko naman sa 'yo diba na okay lang" nakangiti kong tugon sa kanya.
"Hindi Sir eh! Basta kasi nakakahiya eh" tugon pa nito sa boses na hiyang-hiya kaya tumango nalang ako.
"Kung ganoon, isipin mo nalang na regalo ko sa 'yo 'to" pangkukumbinsi ko sa pilyong lalaking ito.
Kahit na pilyo at makulit ang tarantadong si Jerome ay may hiya parin ito sa katawan niya, lalo na sa mga ganitong bagay.
"Sabagay" doon ko nakita ang pagbabago ng pustura ng mukha ni Jerome na tila may pilyong sasabihin.
"Anong sabagay?" wika ko sa kanya at doon pa mas lumapad ang ngiti ng lalaking ito.
"Sabagay Sir Lucian pabor naman sa 'yo 'tong ginagawa mo" tugon nito sa akin na ikinataas ng aking kilay.
"Ano? Anong pabor?" taka kong wika sa kanya habang nakangiti ito na parang tanga.
"Naalala mo Sir nung na suspend yung class natin? Yung pumunta tayo sa Amoyami para kumain at magbonding? Kasama natin sila Jasper at yung Kikay Girls that time" salaysay nito habang nakangiti.
Tumango ako sa kanya "Oo tanda ko pa" tugon ko naman sa kanya.
"Eh yung kinuwento mo sa amin Sir? Tanda mo pa ba?" nakangiti parin nitong wika sa harapan ko.
Napakunot nalang ako ng noo dahil sa pang-titrip sa akin nitong si Jerome "Ano 'yon?" patay malisya kong tugon sa kanya.
"Sus!" 'yan ang mahaba at malakas na reaksyon palagi ni Jerome sa tuwing may inaasar siya. "Parang hindi kita adviser Sir Lucian ah" walang galang nitong wika sa akin.
"Gusto mong batukan kita nitong sandok Jerome?" natatawang tugon ko sa kanya na ikinatawa nito.
"Wag mong ibahin usapan Sir Lucian" wika nito sa akin habang humahagalpak ng tawa "Hindi mo na tanda Sir? Ako kasi tandang-tanda ko pa" segunda pa niya sa akin at doon ako napakamot ng ulo.
BINABASA MO ANG
Chalks and Blueprints
Romansaa marlkrist story Love isn't something you get to keep, it's something that you cherish it while it last. Sa mundong puno ng kasakiman hindi mo na alam kung sino pa ba ang walang kasalanan. Lucian "Halos lahat ng pangarap ko ay natupad na. Isang pa...