Chapter 28

68 10 0
                                    


this chapter is dedicated to Jk_Francine

ㅡㅡㅡ
Supermarket


Alas-tres ng hapon sa Supermarket ng Xentro Mall.

“Ilang kilo ng Maya Flour ang bibilhin natin this time Kuya?” wika ni Senna sa kanang bahagi ko habang patuloy ako sa pagtutulak ng big cart.

I guess fifteen kilos naman for this week, since hindi tayo magbubukas ng cafe for two or three days gawa ng pagpunta sa Baguio” tugon ko sa kanya at siya’y tumango.

Ala-una na kami nagsara ng cafe dahil inubos pa namin ang mga goods bago kami dumiretso sa palengke, inabot naman ng halos dalawang oras ang pamimili namin doon dahil sa dami parin ng mga namamalengke. 

Kasama sa binili namin doon ay mga itlog na alam naming fresh dahil sa suking tindahan kami bumibili. May mini mart din sa palengke na mga ingredients sa baking ang itinitinda kaya doon palagi kami bumibili ng mga flavorings tulad ng liquid vanilla dahil mura na at kalidad pa ang produkto nila.

Ngayon ay nandito na kami sa supermarket ng Xentro Mall para bumili ng ilan pang mga kulang na ingredients na kailangan namin, isa na dito ang harina. Hindi kasi magaganda ang kalidad ng harina sa palengke dahil may mga insekto at maliliit na hayop na kulay itim kung kaya’t pinipili nalang namin ang may brand na mabibili dito sa supermarket.

“Maganda ba outfit ko today Kuya?” nakangiting wika ni Senna habang doon siya umiikot sa paglalakad namin.

“Oo nalang” natatawa kong tugon sa kanya dahil sa pagbabalandra niya sa akin ng suot nitong white dress na ipinagtataka ko kung bakit hindi nadumihan sa palengke kanina.

Oversized na black jacket, white shorts at puting crocs ang suot-suot ko.

Kasalukuyan naming binabaybay ang daan papunta sa mga dry items section habang patuloy ako sa pagtulak ng big cart na naglalaman ng ilang grocery namin sa bahay.

Isinasabay namin ni Senna ang pamimili ng ilang necessities namin kapag kami ay mamimili for cafe.

“Kuya may ipagpapaalam pala ako sa ‘yo” untag nito habang patuloy kami sa paglalakad.

Parang alam ko na ‘yan” nakangiti kong tugon sa kanya at doon ito tumango “Zambales? Outing? Ilang days? Sino-sinong kasama? May adults ba? May lalaki? Saan kayo tutulog? Anong sasakyan niyo?” sunod-sunod kong pagtatanong sa kanya at doon nalang siya napangiwi.

“Si Kuya aba! Kung makatanong akala mo may ginawa akong krimen” natatawang tugon niya sa akin at doon pa ako nagawang hampasin sa kanang braso.

“Senna naninigurado lang ako, I mean you are in a right age na naman at magagawa mo na freely ang mga gusto mong gawin because you already know what is right and wrong” unang litanya ko sa kanya at doon ako huminga ng malalim.

“Ang akin lang bilang Kuya mo at guardian mo na din, I need to ensure your safety dahil tayong dalawa lang ang magtutulugan dito sa lugar natin. Wala sila Mamang at Papang na magsesermon physically” mahaba kong wika kay Senna at doon nalang siya tumango.

“Thank you Kuya”

“You’re welcome, so kailan? Saan? Sino-sino kayo? Ilang araw?” muli kong tanong sa kanya at doon ito ngumiti ng malapad.

Bago siya sumagot ay doon na kami tumigil sa harap ng dry items kung saan nandito ang hinahanap naming harina.

“So kauuwi lang ng family nila Fatima, kilala mo naman si Fatima diba? Yung kaibigan kong richebells na galing pang state” patukoy nito sa katulad niyang baliw na kaibigan, tumango ako dito.

Chalks and BlueprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon