Chapter 29

72 12 4
                                        


this chapter is dedicated to TrishaNaculanga

ㅡㅡㅡ
Meet

Trenta minutos bago mag alas-syete ng gabi sa Adachi’s Cafe.

Tanaw mula sa salaming pader ng shop ang madilim na kalangitan tanda ng lumubog na ang haring araw at ito’y magpapahinga na, na maihahalintulad sa dalawang nakaupo sa sofa ng cafe at doon prenteng kumakain ng meryende at nagpapahinga.

“Saan ka pala sa China, Jairus?”

“Sa Wuhan ako naka base as detective sa isang police station, part timer din ako as computer technician

Matapos ang ilang oras na pag-aayos ng mga pinamili namin mula sa palengke at supermarket ay doon na nagpapahinga ang dalawa habang kumakain ng meryenda.

Ako naman ay nakatayo dito sa counter at may kung anong inaayos at pinipindot sa monitor ng cash register, nakikinig lang ako sa usapan ng dalawa.

“Detective? Detective ka sa China? So ibig sabihin fluent kanang magsalita in Chinese?” tila manghang rinig kong wika ni Senna “Hindi ba ilegal na sabihin mong detective ang trabaho mo sa mga normal na tao, like me?” segunda nito.

“To answer your first question, yes fluent na akong magsalita ng Chinese” tugion ng lalaki “At pangalawa, bakit naman naging ilegal na sabihin kong isa akong detective? That is my job and hindi siya ilegal since I’m working and servicing the country and the community” segunda nito. 

“Ay oo nga, sa mga agent nga pala yung ilegal na sabihin yung job nila. Akala ko kasi yung detective at agent ay parehas lang” tugon naman ni Senna.

“May pagkakaparehas naman sila since both cases ang dapat naming iresulba. Ang pinagkaiba lang ay criminal cases ang sinosolve namin samantalang ang mga agent ay malawak na cases ang hinahawakan nila, tulad ng mga napapanood mo sa action agent drama” pagpapaliwanag naman ng lalaki.

“I get it, thank you. Maiba ng usapan, so umuwi ka din dito sa Pilipinas para magbakasyon?” si Senna.

“Yes” tugon ng lalaki.

“Diba sabi mo na kapatid mo si Max? Yung student ni Kuya from Pililla” muling pagtatanong ni Senna kay Jairus.

“Yes, why?” tipid na tugon ng lalaki.

“Bakit hindi ka doon umuwi sa bahay nila sa Pililla? I mean sa bahay niyo sa Pililla, bakit doon ka tumuloy sa airbnb ni Madam Nenette?” ang tanong ng certified chismosa na akala mo ay matagal nang magkakilala ang dalawa para pag-usapan ang ganyang bagay.

Napapailing nalang ako dahil sa naobserbahan ko dito kay Senna, hindi ko maitatago ang aking gulat sa kung paano nito kausapin si Jairus na alam kong mas matanda sa kanya.

Hindi naman siya ganyan sa tuwing may kausap siyang mas matanda sa kanya, dibali nalang kung type niya si Jairus kaya ganyan niya kausapin ang lalaking ito.

“May mga workloads at paper parin kasi ako na dapat gawin and hindi siya pwedeng mahawakan, magulo or makita, since strict ang bossing namin” tugon nito sa tanong ni Senna.

Patuloy lang ako sa ginagawa ko habang doon ngumunguya ng cookies na tulad ng kinakain ng dalawa.

“So kailan ang balik mo sa China? Kailan ang alis mo dito? ” muling usisa ng chismosa kong kapatid.

“I’m not really sure kung kailan. Siguro kapag may dahilan ako na mag stay pa dito ng matagal, so magtatagal ako” sa walang kadahilanan ay doon ako bumaling sa pwesto nila.

Chalks and BlueprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon