Chapter 16

133 20 1
                                    


this chapter is dedicated to crlsn_

ㅡㅡㅡ

Who’s the Boss?

Boxing Stadium, Adachi’s Cafe

Magpakain sa lupa. Iyan ang gusto kong mangyari sa oras na ito.

Tila nasa loob ako ng boxing stadium dahil sa kaba at atmosperang kinalalagyan ko ngayon. Nasusuka ako sa kaba, dahil sa dalawang lalaki na nasa harapan ko na tila maya-maya lang ay magbubunong braso. Hiya, takot, at kaba iyan ang nararamdaman ko.

Napalunok pa ako habang doon nakatingin sa dalawang lalaki na tila nagsusuntakan na ang kanilang titigan sa isa’t-isa.

Naka-upo kami ni Neil dito sa dilaw na sofa, samantalang nasa kaliwang bahagi naman ang mag kuya na naka-upo sa itim na sofa. Parehas sila ng suot na short at damit na tila kambal, puting t-shirt at kulay asul na pangbaba.

Magkaharapan si Neil at si Engineer, habang nasa gilid kami ni Jerome nang dalawang manok na maya-maya lang ay magsasabong.

Muli akong napalunok kaya bumaling nalang ako ng tingin sa puwesto ni Senna sa may counter na tila parang engot na nakangiti sa kanyang nasasaksihan.

“Senna yung iced coffee” utos ko dito at doon siya sumenyas na sandali lamang.

“Neil Talavera pre, bestfriend ni Lucian for almost twenty years. Oo twenty years” napabaling ako ng tingin kay Neil dahil doon mo mahahalata ang pagmamayabang niya sa sinabi nito.

Nakalahad ang kanang kamay ni Neil sa harapan ng Inhenyero.

“Engineer Asher Casas pre” doon ko kita ang pagtanggap nito sa kamay ni Neil “Ah, ano” doon ko hinintay ang sasabihin nito pero doon sumabat ang kalapit ko. 

“Kapatid mo ‘tong si Jerome?” natapos ang kanilang kamayan, sumandal si Neil sa sofa at doon nagdekuwatro. Ipinatong pa nito ang dalawang braso sa sandalan ng sofa na tila isa siya ngayong tatay sa kanyang puwesto.

“Kapatid ko nga” tugon ni Engineer habang seryosong nakatingin kay Neil.

Mula kanina ay hindi pa niya ako tinatapunan ng tingin, kahit bati ay hindi ko narinig sa kanya.

Magkamukha kayo” tila pabalang na wika ni Neil kaya napabaling ako ng tingin sa kanya “Model ka ba pre? Ang angas ng istilo ng mukha mo eh” doon napatiklop ang aking kamao dahil sa salitang inilalabas ni Neil.

“Hindi ako model, Engineering ang trabaho ko” seryoso at malumanay na tugon nito kay Neil. Doon ako napabaling kay Jerome na ngayon ay tila natatae sa kanyang puwesto.

“Ngayon ko lang nakita ang pagmumukha mo dito pre, dito ka ba nag tapos?” muli akong napabaling kay Neil.

“Yes, sa Eulji ako nagtapos rinig kong tugon ng lalaki at doon tumango si Neil.

“Baka ‘di lang kita nakita noon, saan ka pala sa Italy---ay wait-wait may naalala ako” doon inilagay ni Neil ang kanang kamay niya sa ilalim ng baba na tila doon nag-iisip.

Chalks and BlueprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon