Chapter 22

108 15 0
                                    


this chapter is dedicated to IamRichking

ㅡㅡㅡ
Date 2

"Ako lang ba ang kakain ng lahat nito Engineer Asher?" kunot noo at natatawa kong wika sa lalaking nasa harapan ko.

Doon ito nakangiting tumango habang patuloy sa paglalagay ng lutong karne sa bowl ng kanin sa harapan ko.

Samgyeopsal, nandito kami sa isang korean restaurant sa ground floor ng labas ng Xentro Mall. May nakatayong isang malaking orange tent dito sa parking lot kung saan nasa loob ang mga tables na may grills na pinaglulutan ng mga samgyup.

Tila nasa Korea kami dahil ganitong-ganito ang set-up ng mga stall ng samgyeopsalan doon. Iba't-iba ang flavor ng karneng nandito na kung saan ay iniluluto namin sa grill na nasa gitna ng lamesa, fresh na fresh naman ang lettuce na kapartner ng karne at ilang mga side dish na nakalagay sa bilog na lagayan.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang doon ko mapansing napupuno na ng karne ang rice bowl na nasa harapan ko dahil sa isang inhenyero na patuloy ang paglalagay dito "Engineer, mabubusog agad ako nito. Kainin mo 'yang niluluto mo at huwag mong ilagay sa bowl ko" natatawa kong tugon sa kanya.

"Just eat, Sir Lucian" seryosong tugon nito na ikina-iling ko.

"Paano ko kakainin 'to? Ang dami mo nang nilagay, mabubusog agad ako nito" natatawang atungal ko pa sa kanya ngunit hindi niya ako pinansin at doon lang siya patuloy na nagluluto ng karne at doon inilalagay sa bowl ko.

Napailing ako "Bahala ka nga" pagsuko ko sa kanya at doon sinimulang kainin ang mga karneng inilagay niya.

Hindi sa pagsisinungaling pero pabor naman sa akin ang ginagawa niya, hindi na ako nahihirapan pang magluto dahil siya na ang kusang nagluluto para sa akin.

"Sarap?" nakangiti niyang baling sa akin habang doon hawak-hawak ang tong.

Tumango ako habang ngumunguya "Yes" nakangiti kong tugon sa kanya.

Pinagmamasdan lang ako ni Engineer habang patuloy ako sa pagkain, hindi naman ako nagpapatalo sa kanya at tinititigan ko din siya ng diretso habang patuloy ako sa pag-nguya na tila iniinggit ko ito sa pagkain ko.

Napapatawa nalang kami sa kabaliwan naming dalawa.

"Hindi talaga nagkakalayo ang mukha niyo ni Jerome" wika ko dito habang pumapapak ng kimchi.

Kita kong napataas ang kilay niya "Luh? Mas gwapo naman ako doon sa gagong 'yon" pagtanggi nito sa sinabi ko at napatawa nalang ako.

"Mas gwapo ka nga, pero mas gago ka naman kay Jerome" wika ko dito dahilan para mabitiwan niya ang hawak nitong tong. Doon siya umayos ng upo at napakamot pa sa kanyang noo na tila naiinis sa sinabi ko.

Patuloy lang ako sa pagpapak ng mga side dish na nandito habang nagpipigil ng tawa sa sinabi ko.

"Kung hindi lang Sir Lucian ang pangalan mo, baka nginudngod ko na 'yang pagmumukha mo dito sa grill" gatong nito sa pang-aasar ko at doon nalang ako napailing.

Ilang minuto na 'ata kaming nag-uusap na parang ilang taon na kaming magkakilala dahil sa mga asaran at batuhan namin ng linya.

"Ay talaga ba Engineer?" pang-asar ang mukha kong iminumuwestra sa kanya "Naalala mo ba yung sinabi mo sakin? Noong hinatid mo ako galing dinner? Sabi mo na saktan lang kita hanggang gusto ko kasi tatanggapin mo naman 'yon ng buong puso basta galing sa 'kin" dahil sa sinabi kong ito ay doon ko nakita ang pagtikom ng bibig ni Engineer at doon nalang natahimik.

Chalks and BlueprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon