dedikado ang chapter na ito kay AnthonyMakulitㅡㅡㅡ
Basilio’s MissionVenice, Veneto Italy
Alas-tres ng madaling araw, madilim at amoy pinaghalong aroma ng kahoy at dugo ang maamoy mo dito sa puwesto ko.
Tanging liwanag mula sa kulay pulang dim light ang kumakain sa buong paligid. Hindi ko makita ang mga kagamitan dito sa loob ng kwartong kinalalagyan ko dahil ang tanging nasa harapan ko lang ang may liwanag.
Prente at naka dekuwarto akong nakaupo dito sa itim na sofa kung saan nakaharap sa lamesa ng tinitingala at ginagalang naming leader.
Seryoso lang akong nakatingin sa kanya habang pinapakinggan ang usapan ng aming boss at nang kung sinong tao sa kabilang linya.
Hindi ko pinapansin ang basang coat na suot-suot ko, basa mula sa dugo ng taong karapat dapat lang na mawala na dito sa mundo.
“La missione e quasi compiuta” (the mission is almost done) iyan ang wika ng lalaking nasa harapan ko kung saan doon siya nakatingin sa harapan ng lamesa, habang hawak-hawak ang isang mata na tila bola sa golf ang laki.
“Per ora dobbiamo essere in un posto sicuro” (for now we need to be in safe place) rinig ko pang seryosong wika nito.
Puno ng pag-galang at pasasalamat ang matang ibinabato ko sa lalaking nasa harapan ko.
Siya ang dahilan kung bakit buhay at gumagalaw pa ako dito sa lupain ng Italya. Siya ang tumulong sa akin sa oras na kinailangan ko ng taong masasandalan, at siya ang taong kailanman ay hinding-hindi ko tatalikuran.
Kaya handa akong tanggapin ang kahit anong misyon na ibigay niya sa akin, at isa iyon sa dahilan kung bakit ako nandito sa harapan niya.
“Non devi preoccuparti di quella materia” (you don’t need to worry about that matter) doon ko nakita ang pagbaling niya sa akin ng tingin.
Doon ako napatayo tanda ng pag respeto sa kanya. Doon ko naman nakitang sumenyas ito na muli akong pina-uupo.
Nakatingin lang sa akin ito ng diretso “Ho gia nominato qualcuno per guardere e proteggere I miei figli” (I already appoint someone to look and guard my children) at ito na nga ang sinasabi kong misyon na gagawin ko.
Doon ko ito nakitang tumatango “Addio e per favore abbi cura di te” (good bye and please take care) doon natapos ang tawag dahil nakita ko ang pagtayo ng lalaki sa harapan ko.
Muli akong napatayo sa pagkakaupo habang seryoso ang tingin na ibinabaling sa kanya.
“Basilio” pagtawag nito sa ginagamit kong pangalan sa samahang kinabibilangan ko.
“Yes mio Signore” tugon ko sa kanya at doon siya muling sumenyas para paupuin ako.
(Mio Signore (mi-yo sin-yo-re) means ‘my Lord’)
BINABASA MO ANG
Chalks and Blueprints
Romancea marlkrist story Love isn't something you get to keep, it's something that you cherish it while it last. Sa mundong puno ng kasakiman hindi mo na alam kung sino pa ba ang walang kasalanan. Lucian "Halos lahat ng pangarap ko ay natupad na. Isang pa...