this chapter is dedicated to Blake257ㅡㅡㅡ
Family DinnerAla-sais ng gabi sa dining area ng bahay ng pamilyang Casas.
“Welcome back Sir Lucian, thank you for accepting my husband invitation” nakangiting salubong sa akin ni Tita Wilma at doon pa ako binigyan ng yakap.
“You’re welcome po Tita Wilma” tugon ko dito habang doon ko tinanggap ang yakap nito.
Nang matapos ang pagbati ni Tita Wilma ay doon naman lumapit sa akin ang kalbong tatay nila Jerome na si Sir Ricky “Good evening Sir, thank you for accepting my invitation” doon nito inilahad ang kanang kamay niya sa harapan ko.
“Walang anuman po Sir Ricky, thank you po sa invitation” nakangiti kong tugon at doon inabot ang kamay niya para makipag-kamay.
Doon ko siya nakitang umiling na tila hindi nagustuhan ang pagtawag ko sa kanya.
“Don’t call me Sir, call me Tito. Tito Ricky” nakangiti nitong wika at doon ako tumango.
Kasalukuyan kaming nandito sa dining area kalapit ng lamesa na naglalaman ng mga pagkaing tila ay pang-fiesta sa dami ng nakahain.
“So let’s start our dinner, gutom na ako” wika ni Tito Ricky at doon siya kumilos papunta sa upuan ng padre pamilya. Doon kami humakbang papunta sa puwesto ng uupuan namin.
“Jerome sa akin kana tumabi, hayaan mo ang Kuya Asher mo at si Sir Lucian ang magtabi” wika ni Tita Wilma habang doon sila papunta sa kanang bahagi ng pahabang lamesa.
“Come here” untag sa akin ng Kuya ni Jerome nang doon niya inusog ang upuan na uupuan ko.
“Thank you” nakangiti kong tugon sa kanya at doon ito tumango.
Sa aking pag-upo ay doon hindi mawala-wala ang titig ko sa mga putaheng nakahanda sa harapan. Base sa itsura at amoy ay alam kong calderetang baka ang nasa isang lagayan, doon naman nakapatas sa isang maliit na tray ang shanghai, mayroon ding buffalo chiken wings at crab corn soup.
Hindi ko mapigilang mapalunok dahil sa sarap at bango ng mga pagkaing nandito.
“Luto lahat ito ng Tito Ricky mo Sir Lucian” nakangiting pagmamalaki ni Tita Wilma sa luto ng asawa niya dahil tiyak napansin nito ang pagkakatitig ko sa pagkaing nasa harapan.
Naka-upo na ako ng ayos “Ganoon po ba? Tiyak na mabubusog po ako dito” pagbibiro ko at doon nalang sila napatawa.
Ang set-up ng upo namin ay magkatabi kami ni Engineer sa kaliwang bahagi ng lamesa, nasa harapan ko si Jerome at katapat naman ni Tita Wilma si Engineer. Habang si Tito Ricky ay nasa puwesto ng padre pamilya, kalapit ng asawa niya at ni Engineer.
“Sir Lucian, again I want to say thank you for what have you done last week” doon ako bumaling kay Tito Ricky na nakangiting nakatingin sa akin habang pinaglalagay siya ni Tita Wilma ng pagkain sa plato nito.
“You’re welcome po Tito Ricky, maliit na bagay lang po iyon” nakangiti kong tugon sa kanya at doon ito tumango.
“But still, that little things really save Jerome’s birthday” wika pa nito at doon nalang ako napangiti. Kita kong bumaling siya sa kalapit ko “Hey Asher paglagay mo naman si Sir Lucian ng pagkain sa plato niya” wika nito sa kalapit ko at doon ko nakita ang pagkilos niya kaya pinigilan ko ito.
“Hindi, ako na” wika ko sa kanya ng doon ko pa aagawin sana ang hawak nitong sandok, ngunit hindi ito nagpa-awat.
“I insist” tugon nito kaya napangiti nalang ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/283412309-288-k158385.jpg)
BINABASA MO ANG
Chalks and Blueprints
Romancea marlkrist story Love isn't something you get to keep, it's something that you cherish it while it last. Sa mundong puno ng kasakiman hindi mo na alam kung sino pa ba ang walang kasalanan. Lucian "Halos lahat ng pangarap ko ay natupad na. Isang pa...