Chapter 5

193 25 7
                                    


ㅡㅡㅡ
Banana is Big


1 week ago

“Sir okay lang ba talaga sa ‘yo?” wika ni Jerome sa kabilang linya ng telepono.

“Uu naman Jerome wag ka mag-alala, pati papunta na talaga ako diyan sa inyo” tugon ko sa kanya habang doon ako papalabas sa bahay namin.

“Hintayin mo ako diyan Sir, sunduin po kita para hindi nakakahiya wika pa nito sa tonong hiyang-hiya.

“Kailan ka pa nahiya sakin Jerome?” tugon ko sa kanya “Wag mo na akong sunduin, tulungan mo na muna si Mommy mo hanggat wala pa ako diyan sa inyo” segunda ko pa sa kanya habang papasok na ako sa shop.

30 minutes ago ng tumawag sa akin si Jerome, nagkaroon daw ng emergency ang Daddy niya sa cruise ship kung saan ito nagtatrabaho bilang chef.

Tumawag ito sa akin dahil kailangan nila ng tulong sa pagluluto ng ilang handa ni Jerome na naiwan ng Daddy niya.

Kaya sabi ko ay maliligo na ako at mag-aayos papunta sa kanila.

Alas dyis na ng umaga, tanghalian at panghapunan ang lulutuin para sa mga bisita ni Jerome.

“Wag mo na akong sunduin Jerome baka mapaano kapa, ako na ang pupunta diyan” wika ko pa sa kanya dahil nagpupumilit itong sunduin ako.

“Okay po Sir, basta chat mo lang ako kapag nagkaroon ng problema tugon pa nito sa nag-aalalang boses.

“Siya sige na, baba ko na ‘to” hindi ko na hinintay pa ang tugon ng sutil na lalaki at doon ko na pinatay ang telepono.

Nasa loob na ako ng shop at doon ako nakatayo sa harapan ng counter, naka-upo si Senna sa harapan habang doon tutok na tutok sa laptop niya.

“Kaya ko na mag-isa dito Kuya, oo tatawagan kita kapag may problema at kapag may naghanap sa ‘yo sasabihin ko na wala ka” inunahan na niya ako sa mga ihahabilin ko sa kanya.

Busy ito sa panonood ng kung ano-anong kpop idols sa laptop niya “Okay just make sure na tanggalin mo yung saksak ha if ever na malate ako ng uwi” habol bilin ko dito at doon nalang ito tumango. 

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at doon na ako lumabas ng shop dahil kumpleto na naman ang dadalhin ko, dinala ko ang pamana sa akin ni Lola na kutsilyo na palagi kong ginagamit kapag nagluluto ako.

Dala ko din ang regalo kong original jersey ng paboritong NBA basketball team ng sutil na si Jerome.

Hindi na ako nagdala pa ng sasakyan dahil mas gusto kong mag commute.

“Saan po kayo Sir Lucian?” doon ko na nalamayan na nakasakay na ako sa tricycle dito sa paradahan.

Halayhayin po Kuya Sony, malapit sa may barangay hall” tugon ko sa tricycle driver.

ㅡㅡㅡ

Kilala ang pamilyang Casas dito sa Halayhayin bilang angat at may kayang pamilya, mahahalata mo naman sa laki at ganda ng bahay nila.

Kung maikukumpara ang istilo ng bahay na ito ay masasabi mong pang-ibang bansa at mayaman ang taong nakarita dito.

Mayaman sa pagmamahal ang mga taong nakatira dito Naku Sir pasensya na talaga sa istorbo, sabi ko naman kay Jerome na huwag na kayong tawagin at nakakahiya po” iyan agad ang salubong sa akin ng Mommy ni Jerome.

Chalks and BlueprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon