Chapter 17

123 18 1
                                    


this chapter is dedicated to alexGarcia216205

ㅡㅡㅡ
Gift


Alas-singko ng hapon, sa parking lot ng Xentro Mall Pililla.

“Pasensya na Sir Lucian, last minute utos ni Mame” paghingi ng paumanhin sa akin ni Jerome sa kanang bahagi ko habang naka-pout pa na tila nagpapa-kyut.

White polo ang suot ko sa itaas at black jeans sa pangbaba,  puting crocs naman ang gamit ko sa paa.

“No worries, Jerome” nakangiti kong tugon sa kanya habang patuloy kami sa paglalakad. Kasama namin ang Kuya niya na nasa kanang bahagi ni Jerome na kanina pa hindi nagsasalita mag mula noong sinundo nila ako sa cafe.

Nasa gitna namin si Jerome habang patuloy kami sa paglalakad dito sa parking lot ng Xentro Mall kung saan madami ang nakatayong mga kulay asul na canopy tents. Dahil may business fair program ang Xentro Mall na ito.

Kaliwa’t kanan ang makikita mong mga paninda na mula sa iba’t-ibang lugar dito sa Luzon. Madaming mga prutas, mga damit, halaman, kakanin at kung ano-ano pang makikita mo sa isang palengke.

Madaming tao pero hindi naman siksikan. Iginagala ko ang aking mata sa mga produktong aking nakikita.

Bilisan na natin Jerome, naghihintay na sila doon” doon ako napabaling sa lalaking nagsalita.

Diretso lang ang tingin niya sa unahan habang patuloy kaming naglalakad. Seryoso lang ang tingin nito, bagay sa itsura ng damit niyang kulay itim na t-shirt at ang pangbaba nitong puting short.

Magmula kaninang pagsundo nila ay hindi ako nito tinatapunan ng tingin, napapatango nalang ako dahil sa ikinikilos niya. Wala naman akong ginawang kakaiba para hindi niya ako tapunan ng tingin at batiin.

“Teka lang naman Kuya, hindi ko makita kung saang banda ‘yon” tugon ni Jerome na parehas ang damit nito sa kuya niya.

Ngayong gabi magaganap ang dinner kasama ko ang pamilyang Casas. Tulad ng sabi sa akin ni Jerome ay gusto akong makita ng Daddy nila para magpasalamat sa ginawa kong pagtulong sa kaarawan ng pilyong si Jerome.

Kanina noong nila ako sa cafe ay doon tumawag si Tita Wilma kay Jerome, inutasan siya nitong bumili ng bibingka at puto bumbong dahil nalaman niyang may business fair dito sa Xentro Mall.

“Jerome ‘yon na ‘ata yung bilihan wika ko dito habang doon itinuturo ang tent na naglalabas ng usok.

“Ayun na nga, Sir” tugon nito sa akin at doon kami naglakad nang may bilis para makaalis na kami dito sa Xentro Mall dahil kanina pa ‘ata mainit ang ulo nitong kuya niya. 

“Magkano po ang puto bumbong?” iyan ang bungad ni Jerome sa matandang babae na nakadaster.

Nasa likod kami ng Kuya niya at doon lang pinapanood si Jerome sa unahan.

“Bente singko utoy, ‘yan ang karatula oh ‘di mo ba nabasa?” tila pagbibiro ng matanda sa kalbong lalaking ito habang itinuturo ang tarpulin.

Chalks and BlueprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon