this chapter is dedicated to nakahamuraㅡㅡㅡ
Serendipity Bracelace
Nine o’clock in the evening sa sasakyan ni Engineer Asher.“Hindi ka nilalamig, Engineer?” wika ko sa lalaking nagmamaneho.
Umiling siya sa tanong ko “No, Sir” tugon niya habang diretso sa pagda-drive.
Kasalukuyan na naming binabaybay ang daan papunta sa Adachi’s Cafe para ihatid niya ako pauwi, pinili nalang naming buksan ang bintana ng sasakyan kaysa buksan ang aircon na ito. Natuyo na ang suot naming damit dahil sa lakas at simoy ng hangin.
Nakabaling lang ako ng tingin sa labas ng bintana at doon pinapanood ang nadadaanan namin. There’s a feeling that makes me calm when I just staring at a something, like this one.
Tanging ingay ng sasakyan at simoy ng hangin ang marirnig mo sa oras na ito, dire-diretso lang ang andar ng sasakyan dahil wala nang masyadong dumadaan.
Hindi ko mabilang kung nakailang ulit na ako ng sulyap sa katawan ni Engineer, hindi niyo ako masisisi dahil maganda talaga ang hubog ng pangangatawan niya.
“You want to listen some music?” wika nito ng mahuli niya akong nakatingin muli sa katawan niya.
Tumango ako “Sige lang” at muling bumalik ng tingin sa kalsada, rinig kong pinindot ni Engineer ang stereo dahil doon nagsimulang mag play ang pamilyar na kanta.
“Woah, my love, my darling. I’ve hungered for your touch” kanta mula sa The Righteous Brothers na ang titulo ay Unchained Melody “A long, lonely time. And time goes by so slowly and time can do so much, are you still mine?” doon ko rinig ang mahinang pagsabay ni Engineer sa kantang ito.
Dahan-dahan akong bumaling ng tingin sa kanya at doon tinitigan ang kagwapuhan niya “I need your love, I need your love” pasabay nito sa kanta at tila batid niyang nakatingin ako sa kanya dahil doon ko kitang inaangasan niya ang pag-awit “God speed your love to me” nakangiti niyang pag-awit at doon bumaling sa akin.
“Matutunaw ako niyan, Sir Lucian” mahinang boses na tila nagpapaguwapo niyang wika sa akin na ikinatawa ko nalang.
“Ewan ko sa ‘yo” nakangiti kong tugon sa kanya at doon ito napatawa.
“Okay next song tayo, mukhang gusto ‘atang marining ng isang Sir Lucian ang golden voice ko” hambog na wika niya na ikinailing ko nalang.
Doon muling pinindot ni Engineer ang stereo at doon nagsimulang tumugtog ang pamilyar na kanta ni Paul Anka, ang Put Your Head on My Shoulder.
“Put your head on my shoulder” napapangiti ako dahil doon feel na feel ni Engineer ang pagkantang ginagawa niya.
Nakabaling lang ako ng tingin sa kanya habang diretso itong nakatingin sa unahan “Hold me in your arms, baby” doon sumulyap si Engineer sa huling lirikong inawit niya.
“Squeeze me oh-so-tight, show me that you love me too” pag-awit pa niya at napangiti nalang ako.
Doon ko nakita sa daan na malapit na kami sa bahay, mga limang minuto na lamang.
“Hey Sir Lucian” pagtawag nito at doon niya pinindot ang stereo para i-pause ang kanta.
“Yes?” nakangiit kong tugon sa kanya habang diretso ang tingin niya sa pagmamaneho.
BINABASA MO ANG
Chalks and Blueprints
عاطفيةa marlkrist story Love isn't something you get to keep, it's something that you cherish it while it last. Sa mundong puno ng kasakiman hindi mo na alam kung sino pa ba ang walang kasalanan. Lucian "Halos lahat ng pangarap ko ay natupad na. Isang pa...