Prologue

113K 2K 560
                                        

Not a Montero





Nagising ako dahil sa sikat ng araw, imbes tuloy mapangiti dahil umaga na ay kaagad akong napatayo ng marinig ko ang sigawan mula sa aming sala.

"Nandito ka na sa Maynila! Babalik ka pa ng probinsya!?" sigaw na tanong ni Mommy kay Daddy.

"Nasa probinsyang sinasabi mo ang ikagiginhawa ng buhay natin! Tama na, aminin na natin...wala na sa ating ang negosyo"

Napaawang ang bibig ko dahil sa narinig.

"Dahil sayo! Dahil sa pagsusugal at pangba-babae mo!" umiiyak na sigaw ni Mommy at kaagad na sinugod ang nanghihinang si Daddy. Hinayaan ni Daddy na saktan siya nito kaya naman tumakbo na ako pababa sa aming hagdan.

"Mommy, Daddy...please stop na po!" umiiyak na pakiusap ko sa kanila.

Pero hindi sila nakinig sa akin, they never think of me...or kung anong mararamdaman ko sa oras na masira ang family namin. I don't want to us to be poor also, but mas hindi ko gugustuhin na maghiwalay sila.

"Veronica!" galit na sigaw ni Daddy isang umaga.

Mommy left us, she left me...hindi niya na kami gusto ni Daddy kaya naman iniwan niya kami.

All our wealth vanished just like how the wind blows. Sa isang iglap, nagbago ang lahat. Sa isang pagkakamali, dahil sa kapabayaan...nawala ang business na ipinamana ni Lola kay Daddy.

"Are we going to live na po ba sa street, Daddy?" umiiyak na tanong ko sa kanya.

Mabilis niyang pinahiran ang luha sa kanyang mga mata at lumuhod para pantayan ako.

"Ofcourse not, Vera. Uuwi tayo ng Sta. Maria. Doon mas malaki pa dito ang magiging bahay natin, may malawak na hacienda, may plantation...may mga kabayo" he said.

"Hindi ba't you always dreamed of having a horse?"

Marahan akong umiling. "No, Daddy. What I want is a pony" giit ko habang patuloy na tumutulo ang aking mga luha.

Tumawa siya kahit patuloy pa din ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. He want me to see how strong he is kahit alam kong he's hurt also.

Umuwi kami sa province mula sa city. I need to adjust bigtime because of this sudden changed.

"Do they have mall here po? Is it true na if the moon is bilog..." hindi ko na naituloy pa ang tanong ko kay Daddy ng tumunog ang phone niya dahil sa isang tawag.

"Nasa byahe na kami, Keizer" he said kaya naman from the window ay nalipat ang tingin ko kay Daddy.

"Magtra-trabaho ako sa companya ni Papa, tatanggapin ko na"

Ramdam kong nagkasagutan pa sila ni Tito Keizer. May Daddy said na brother niya iyon, matagal ko nang naririnig pero hindi ako naniwala because I never met him naman.

"They don't want us?" tanong ko sa kanya. I feel it, the way my Daddy hold the manibela, and those mabibigat na buntong hininga.

"No one wants us...just like Mommy" I said.

"Hindi ganoon, Princess" paglalambing ni Daddy pero nanatili ang tingin ko sa labas ng bintana.

"I'm no longer a princess na. Wala na akong maganda and big na room, even yung mga dresses ko..." malungkot na sabi ko. As much as I want to cry, hindi ko na lang itinuloy dahil I don't want my Dad to see na nanghihina din ako. I want to be strong for him, he is all I have.

No more Sunrise (Sequel #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon