Chapter 1

51.4K 1.7K 478
                                    

Invitation





Ramdam ko ang pagtulo ng mainit ng luha sa aking mga mata pababa sa aking pisngi.

"Wala kang utang na loob! Pumayag na nga akong tumira ka dito sa pamamahay ko...sasaktan mo pa ang apo ko!" asik niya sa pagmumukha ko bago niya padabog na binitawan ang aking panga.

"I don't hurt Gertie naman po" I said.

Dinuro niya ako kaya naman ilang beses akong napapikit sa takot na masundok ng pointing finger niya ang eyes ko.

"At sumasagot ka pa talagang bata ka!"

Lumabas ang hikbi sa aking bibig. I don't want them to see me weak, pero this is all too much! Miss na miss ko na si Mommy at Daddy tapos ganito pa siya sa akin. Wala naman akong kasalanan sa kanya.

"I want to go home kay Daddy. I don't want to be here na po" umiiyak na sabi ko sa kanya...sa kanilang lahat.

They think siguro na gustong gusto ko dito because mas rich sila kesa sa amin, na mas malaki ang bahay nila kesa sa amin. They think siguro na gusto ko dito because gusto kong maging mayaman and maging real life princess.

Tumawa si Lola. "Go home? Kung papalayasin kita dito, sa kalsada ka titira!" asik niya sa akin kaya naman mas lalo akong umiyak.

Hindi na ako nakasagot pa at nagpatuloy na lang sa pagiyak. I don't care na kung mukha akong weak sa harap nilang lahat, kung maiinis si Lola sa akin dahil sa pagiyak ko, iinisin ko na lang siya lalo para ibalik na lang niya ako kay Daddy.

"Senyora, ako po ang may kasalanan" pag-ako ni Yaya Esme.

"Simula ng dumating ang batang ito palagi ng sira ang araw ko, ikulong niyo yan sa kwarto niya. Wag niyong papalabasin at ayokong nakikita ang pagmumukha niya!" masungit na utos ni Lola sa mga ito.

Kaagad na binuhat ni Yaya Esme ang tumahan ng si Gertie. Kahit kita kong hirap na siyang buhatin ito ay nagmadali pa din siya para hilahin ako palayo kay Lola.

"I don't want to be here na. Mag lalayas na lang ako" umiiyak na sabi ko kay Yaya Esme.

Hindi siya nagsalita, hindi niya ako binitawan hanggang sa makapasok kami sa aking kwarto. I jump fast sa bed ko at kaagad na dumapa para umiyak.

Humigpit ang yakap ko sa unan ng marinig ko ang pagsara at bukas ng pintuan, Yaya Esme left me with no words, mas lalo kong naramdaman na no one cares about how I feel. Baka bukas ay magiging isa na ako sa mga maids at pagtra-trabahuhin na ni Lola.

Bahagya akong huminahon ng muling bumukas ang pintuan at pumasok si Yaya Esme, buhat buhat pa din niya si Gertie kaya naman umayos na ako ng upo sa taas ng bed ko.

"What are you doing here pa po? You can leave me na, Iwan niyo na lang akong mag-isa" umiiyak na sabi ko sa kanya.

Natawa si Yaya Esme bago siya upo sa gilid ng aking kama at pinaupo si Gertie sa lap niya para palitan ng damit.

"Narinig ko na yan sa teleserye ah" pang-aasar niya sa akin kaya naman napanguso ako at mabilis na pinahiran ang luha sa aking pisngi.

I watch them habang pinapalitan ni Yaya Esme si Gertie ng damit. Habang ginagawa niya iyon ay may ibinubulong siya dito.

"Sige na, good girl ang Senyorita Gertie namin" malambing na sabi niya dito bago niya hinalikan sa pisngi ang pinsan ko.

Mula sa lap ni Yaya Esme ay gumapang si Gertie sa bed ko para lumapit sa akin.

No more Sunrise (Sequel #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon